Default Thumbnail

Ara-Dave wedding special guests ang exes

July 3, 2021 Aster Amoyo 814 views

KAHIT matagal nang hiwalay ang singer, actress at entrepreneur na si Ara Mina sa ama ng kanyang 6-year-old daughter na si Amanda, ang dating mayor now vice-mayor ng Bulakan, Bulacan na si Patrick Meneses, napanatili ng dalawa ang kanilang relasyon bilang magkaibigan dahil na rin sa kanilang anak.

Personal na inimbitahan ni Ara (with her now husband’s permission) ang kanyang ex-boyfriend na si Patrick sa kanilang wedding ni Dave Almarinez last June 30, 2021 na ginanap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges. Pinaunlakan naman ni Patrick ang imbitasyon kasama ang kanyang present girlfriend.

Tulad nina Ara at Patrick, maganda rin ang relasyon ng husband ngayon ni Ara na si Dave sa kanyang ex-wife na si Erish na naka-base ngayon sa America with her new family at kung saan din naroon ang kanilang 16-year-old daughter na si Kristen. Invited din sa wedding nina Ara at Dave ang mag-inang Erish at Kirsten maging ang eldest daughter ni Erish sa dati nitong karelasyon bago naging sila ni Dave na si Klane. Si Klane ay in-adopt ni Dave and considers as his eldest daughter. Ara’s husband has also a three-year-old son na si Theodore sa ibang babae kaya may tatlong stepchildren si Ara sa kanyang mister na ngayon na si Dave at may isa namang stepdaughter ang huli kay Ara na si Mandy.

Kung ang bagong kasal ang masusunod, gusto rin nilang magkaroon ng sariling anak o mga anak kung sila’y mapagkakalooban ng Diyos.

Nakatakda sanang dumalo sa wedding nina Ara at Dave ang ex-wife ni Dave na si Erish pero hindi umano ito nakarating dahil sa kanyang pre-mature baby sa kanyang present partner. Pero nakadalo si Kirsten na lumipad pa from Los Angeles, California, USA. Siya ang tumayong junior bridesmaid sa wedding ng kanyang dad at ng kanyang Tita Hazel (Ara).

Samantala, tuwang-tuwa naman ang 6-year-old daughter ni Ara na si Mandy dahil naroon din ang kanyang dad na si Patrick (Meneses). At the reception, Mandy stayed with her father at sa kanyang ama rin umano ito natulog kinagabihan.

Marami rin ang bumilib kay Ara na sa kabila ng pagiging bahagi nito ng longest-running action drama series na “FPJ’s Ang Probinsiyano” ni Coco Martin ay hindi nito napabayaan ang pagtsi-check ng mga detalye na may kinalaman sa wedding nila ni Dave.

Napakaganda ni Ara in her queenly-designed wedding gown.

Ngayong may asawa na si Ara, sisimulan na niya ang kanyang bagong papel bilang Mrs. Dave Almarinez.

Coco pribado pa rin ang relasyon kay Julia

KAHIT alam na ng publiko ang kanilang relasyon, mas gusto pa rin nina Coco Martin at Julia Montes na panatilihing pribado kung anuman meron sila ngayon.

Ang dalawa ay huling nakitang magkasama nung nakaraang March nang magbakasyon ang dalawa sa Boracay.

Nagsimula ang closeness sa isa’t isa nina Coco at Julia sa set ng kanilang dating primetime TV series na “Walang Hanggan” na tumagal ng dalawang taon mula 2012 hanggang 2014. In 2013, nagtambal din ang dalawa sa pelikulang “A Moment In Time”. Muli silang nagtambal sa ilang episodes ng “Wansapanataym Presents: Yamishita Treasure” kung saan nila nakasama ang child actor na si Alonzo Muhlach. Magmula noon ay hindi na muli nagsama ang dalawa either sa TV o pelikula sa kabila ng request ng fans.

Inaabangan naman ng marami kung kelan balak ni Coco na pakasalan si Julia lalupa’t matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon.

Personal

BELATED birthday greetings to my sister Mana Meriam Amoyo and former First Lady and Congresswoman Imelda Romualdez-Marcos last July 2.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE