Manny Pacquiao

Pacquiao bumabangga sa pader?

July 3, 2021 Joey Aquino 418 views

SENATOR Manny Pacquiao looks like he’s barking at the wrong tree.

Tama ang kanyang pagpuna sa administrasyon hinggil sa graft at corruption. Dahil kailangan may malakas ang loob na pumuna sa katiwalian sa gobyerno. Pero mukhang mali ang atake o ang pamamaraan ni Pacquiao.

Ayon sa kanya, handa niyang ibulgar ang mga sangkot sa corruption. Ito rin ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya. The boxing champ seems to be confident on the documents given to him. Kaya malaking hamon ito sa kanya para patunayan ang mga nasabing alegasyon. Nilinaw niya na hindi raw personal na atake ito sa Pangulo.

Ayon naman kay Pangulong Duterte, hindi raw makapaghintay si Pacquiao sa desisyon ng kanilang partido. Na isa naman siya sa mga pinagpipiliang presidentiable ng PDP-LABAN. Dahil dito, tiyak na malabo na ang pangarap ng senador na maging standard bearer ng partido. He’s burning the house down, so to speak. Kaya wala siyang makukuhang suporta sa kanyang mga ka-partido. Sa katunayan, ilang lider at miyembro na ng ruling party ang humihingi ng kanyang resignation bilang president nito.

Marami din ang mga netizen na bumabanat sa senador. Dahil bakit ngayon lang daw niya ini-expose ang sinasabi niyang corruption? Obvious daw na self-interest lang ito dahil sa kanyang ambisyon na maging pangulo ng bansa. Ilang buwan na lang ay filing of candidacy at simula na ng national election campaign. Kaya imposible na ma-imbestigahan niya ang mga nasabing anomalya sa ilalim ng kanyang termino bilang senador. Lalo pa’t busy siya sa nalalapit niyang boxing fight laban kay Errol Spence, Jr. this August. Sabi nga ni Pangulong Duterte, he may be a champion in boxing but not in politics.

Samantala, ilang netizen ang nagsasabi na diversionary tactic lang daw ito para malihis ang atensyon ng publiko sa kapalpakan ng gobyerno. True or not, ano ang tunay na dahilan ang nagtulak kay Pacquiao para banggain ang administrasyong Duterte? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE