Pokwang2

Apelyido ng ex, tsugi sa negosyo ni Pokwang

July 11, 2022 Jun Nardo 353 views

INSPIRASYON ng komedyanteng si Pokwang ang kanyang Nanay Gloria sa pagiging matatag at matibay na ina.

Kinumpirma na ni Pokwang na hiwalay na sila ng partner niyang foreigner na si Lee O’Brian na nakapareha sa ginawang movie.

Sa post ni komedyana sa kanyang Instagram, binigyang-pugay niya ang kanyang Nanay Gloria.

Ipinagdiinan din niyang hindi karma ang pagiging isang single parent na nabiyayaan ng mga anak na nagpapasaya sa kanya.

Sa hiwalayang Pokie at Lee, nagulat lang kami nang mabasa sa isang report na pati name ng brand ng preserved food ng komedyante ay tinanggal na ang surname ni Lee at simpleng “Mamang Gourmet” na lang ang inilagay dito.

Ano ang ibig sabihin nu’n? Akala ng lahat, maayos ang hiwalayan nina Pokwang at Lee, huh!

BIANCA, HINANGAAN SA MARTIAL ARTS

IPINAMALAS ng Kapuso actress na si Bianca Umali ang kakaibang galaw at bilis sa martial arts kasama ang trainer na si Erwin Tagle.

Pulido ang kilos at lutang ang husay ni Bianca na ipinasilip niya sa video ng pagsasanay sa kanyang Instagram.

Kaya naman bumuhos ang paghanga kay Bianca ng fans at kaibigan niya na nakapanood ng video gaya nina Pokwang, Sanya Lopez at Mikee Quintos.

Paghahanda kaya ito ni Bianca sa bagong GMA TV series niya? Nabalita kasing gagawin ng GMA ang fantaserye na Sang’gre Chronicles, prequel ng Encantadia, o para sa aagaw sa kanya ni Ruru Madrid?

AUTHOR PROFILE