Default Thumbnail

Antipolo City may maagang pamaskong food package

October 26, 2022 People's Tonight 275 views

MAAGA ang pamasko sa mga Antipolenyo! Ito’y kasunod ng pagsisimula ng pamimigay ng Christmas food package ng City Government, na “level up” para sa paghahanda sa Pasko.

Ayon kay Antipolo City Mayor Jun Ynares, ito ay isang spaghetti package na tiyak na ma-eenjoy ng buong pamilya.

“Isang spaghetti package ang matatanggap ng bawat bahay para kahit papaano po ay mayroong pagsasaluhan ang bawat bahay sa darating na Pasko,” sabi ni Mayor Jun.

Naniniwala din si Mayor Jun sa kasabihan na “it is better to give than to receive” kaya’t aniya, kung nakakaangat naman at tingin nila ay may iba pa na karapat-dapat na makatanggap ng package ay maaari naman itong i-donate.

“Kung sa tingin po natin ay nakaka-angat po tayo sa buhay o kaya ay may kakilala po tayong mas nangangailangan kaysa sa atin, puwede niyo rin pong ibigay na lamang ang inyong matatanggap sa kanila,” sabi ni Mayor Jun na pinaalala ang “spirit of Christmas” ng bigayan.

Sinabi pa ni Mayor Jun na ang bawat package ay naglalaman ng: Spaghetti Set (isang pack spaghetti noodles at spaghetti sauce); pitong canned goods (dalawang corned beef, dalawang beef loaf, dalawang meat loaf, tuna caldereta/sardines); coffee pack – tatlong twin pack sachet (anim na piraso); cheese spread; at isang pack ng washed sugar.

Hindi naman kailangan aniya mag-unahan dahil hanggang December 15, 2022 ang pamamahagi ng food packs.

Inaanunsyo naman ng bawat barangay ang pamamahagi ng mga ito lalo na ang mga schedule sa kada sitio, kada purok, kada subdivision, at iba pa.

Maaari din na tingnan ang mga official Facebook pages ng mga barangay para makita ang schedules sa inyong mga lugar ayon sa Antipolo City mayor.

AUTHOR PROFILE