Angelica

Angelica palalakihin muna si Baby Bean bago bumalik sa trabaho

October 26, 2022 Aster Amoyo 401 views

LAST October 20 ay nag-one month old si Baby Bean or Amila Sabine, ang first baby ng engaged couple na sina Angelica Panganiban and businessman Gregg Homan. Doon lamang ibinahagi ng couple ang full picture ng kanilang anak kasunod ang kanilang first family picture.

Since parehong may foreign flood sina Angelica at Gregg, cute at tisay din ang kinalabasan ni Baby Bean na kinatutuwaan ng respective families ng couple, their friends at maging ng netizens.

The brand new parents ni Baby Bean make it a point na documented lahat ang development at progress ng kanilang anak from the time she was born sa kanilang joint vlog, ang The Homans at ini-enjoy ng dalawa ang kanilang bagong role as hands-on parents.

Since matagal hinintay ng Kapamilya actress ang kanyang pagiging ina, gusto muna niyang paglaanan ng oras ang pag-aalaga kay Baby Bean until such time na puwede na niya itong iwan para balikan ang kanyang acting job.

Kapag hindi naman busy sa trabaho si Gregg, he also makes it a point na nasa bahay siya at tumutulong sa pag-aalaga sa kanilang baby.

TeraTera1

Pangarap ni Tera natupad na

BAGUHAN pa lamang ang singer, songwriter and dancer na si Tera (Margaret Dungo in real life) sa industriya pero malaki ang potential nitong maging malaking pangalan. Hindi lamang bilang singer-songwriter kundi bilang dancer and performer. At napaka-suwerte niya dahil isang grand launch ang ipinagkatiwala sa kanya ng Merlion Events Production, Inc. and Tyrone Escalante Artist Management na siyang nangangalaga ng kanyang career ngayon.

Ang palayaw niyang Tera ay isang Latin word na earth ang kahulugan. Alam niyang marami pa siyang pagdadaanan bago niya marating ang tagumpay pero ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na siya sa mga taong nagtiwala at patuloy na naniniwala sa kanyang kakayahan bilang singer-songwriter, dancer and performer.

Tera had a grand launch last Tuesday evening Tera nung nakaraang October 25, 2022 sa grand ballroom ng Seda Vertis North Hotel in Quezon City.

Dito niya kinanta ang bagong single na “Higher Dosage,” isang alternative pop song na may dark theme tulad ng alcohol at illegal substances na madalas nagiging dahilan kung bakit napapariwara ang mga kabataan at kung paano nila hinaharap ang kanilang mga problema sa buhay.

Ayon kay Tera, taong 2019 pa umano niya sinulat ng “Higher Dosage”. Ang mensahe ng kanta ay walang edad na pinipili dahil marami ang dumadaan sa iba’t ibang pagsubok.

Napakaganda rin ang pagkakagawa ng music video ng “Higher Dosage” na dinirek ni Elena Virata. She personally sat down with the MV director para pag-usapan ang konsepto nito bago ang actually shoot at masaya siya sa kinalabasan nito.

During the launch ay kinanta rin niya ang dalawa pa niyang singles, ang “Façade” and “Sa Dilim” and a duet with her special guest singer-performer at actor na si JM de Guzman.

Inamin ng baguhang artist na big fan umano siya ng singer-actor kaya dream come true para sa kanya na maka-duet ito.

Just like herself, si JM ay isa ring singer-composer and musician. Tera plays the piano, guitar and ukulele making her a musician as well.

The young artist started singing and peforming when she was seven years old at ang passion niya sa pagkanta ay nagtuluy-tuloy na suportado naman ng kanyang parents.

In 2016, kumuha siya ng singing lessons sa ilalim ng Music School of National Artist Ryan Cayabyab. Labas pa ito ng kanyang piano ang note reading under the tutelage ni Norman Garcia ng Yupangco Music Academy. She also took up Masterclass online (mixed voice) and was mentored by Monet Silvestre. Kumuha rin siya ng dancing lessons sa ilalim ng veteran dance choreographer na si Douglas Nierras along with Chrisy Sawada and Froi Dabalus.

Lahat ng kanyang music and voice trainings and dance lessons made herself to become a confident performer kaya parang pro na siya nang siya’y humarap sa entertainment media as part of her `baptism of fire.’

Isa sa mga pangarap ni Tera ay makasama sa isang stage ang kanyang mga hinihangaang OPM greats on “ASAP Natin `To”.

Hindi rin napigilan ni Tera ang mapalaluha sa sobrang tuwa dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya and her performance.

Topacio

‘Mamasapano’ naglalahad ng katotohanan

SOBRA ang pasasalamat ng baguhang movie producer na si Atty . Ferdie Topacio and his business partner na si Louie Razon Gamboa ng Borracho Films na nakapasok sila sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa pamamagitan ng kanilang debut film (as producers), ang “Mamasapanano (Now It Can Be Told)” mula sa panulat ng Palanca winner na si Eric Ramos at direksiyon ni Lester Dimaranan na siya ring nagdirek ng 2021 MMFF movie na “Nelia” na siyang nagpanalo sa lead star na si Winwyn Marquez bilang Best Actress sa taunang International Film Festival Manhattan in Manhattan, New York, USA.

Ang production design ng “Mamasapano” ay hinawakan ng award-winning PD na si Ericson Navarro, na siyang nanalong Best Production Design for the 2020 MMFF movie na “Magikland” at 2019 MMFF movie na “Sunod”.

Ang pelikulang “Mamasapano” ay based on the reports of the Board of Inquiry ng Philippine National Police (PNP) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), maging ang Senate Committee on Public Order at actual interviews sa witnesses.

Ang pelikula ay naglalahad ng tragic story ng Mamasapano Massacre na naganap nung January 25, 2015 kung saan 44 na miyembro ng PNP Special Action Force (SAF), PNP’s elite team ang nasawi habang kanilang tinutupad ang kanilang tungkulin laban sa dalawang Most Wanted Islamic terrorists na sina Uyman at Marwan.

Ang “Mamasapano (Now It Can Be Told)”ay tinatampukan nina Edu Manzano (who plays the role of then Gen. Benjamin Magalong), Paolo Gumabao (Supt. Raymaond Train), Aljur Abrenica (Lt. Franco), Allan Paule (as Gen. Getulio Napenas), Rey `PJ’ Abellana as Col. Pabalinas, Gerald Santos (as Sgt. Lalan), Ritz Azul (as Maryann del Rosario), Myrtle Sarrosa as Galdys Rivas, Rez Cortez as Gen. Alan Purisima, Juan Rodrigo as Sec. Mar Roxas, Jervic Cajarop as Pres. Noynoy Aquino, Claudine Barretto as Mrs. Erica Pabalinas and host of others.

Ang “Mamasapano (Now It Can Be Told)” is the only action and war movie (of true accounts) na kalahok sa Metro Manila Film Festival na magsisimula on December 25, 2022 at magtatapos on January 7, 2023.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube account. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE