Kim

Kim, napilitang isara ang negosyo

October 26, 2022 Vinia Vivar 345 views

Isang linggo pa lang mula nang magbukas ang bagong negosyo ni Kim Chiu na House of Little Bunny Ph collection of leather bags ay nagsara agad ito.

Ito ay hindi dahil sa nalugi o nagkaroon ng problema kundi sold out na ang lahat ng mga item at wala pa siya ulit ibebenta.

Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat si Kim sa lahat ng sumuporta at tumangkilik sa kanyang mga item.

Ayon sa aktres, hindi siya makapaniwala na in just one week ay sold out na agad ang kanyang first collection.

“NO WORDS, just THANK YOU SO MUCH!!!! @houseoflittlebunny.ph

“One week since we launched, considering the number of bags that we had — I still can’t believe @houseoflittlebunny.ph’s first collection is already SOLD OUT! Thank you, thank you, jud kaayo kaayohan to each one of you. I am beyond grateful. To my team bunnies!!!! Thank you so much, mga sissies!!!” ang pahayag ni Kimmy.

Inanunsyo niyang sa ngayon ay sarado muna ang kanyang online shop at nangakong magbabalik na mas marami nang items and choices.

“For now, @houseoflittlebunny.ph is closed in the meantime. We will be back next month NOVEMBER with more color choices, more sizes, and more designs too!!! SEE YOU AGAIN SOON, BUNNIES!!” aniya.

Makikita sa video na ipinost ni Kim na sa opening day ng kanyang business ay kabadung-kabado pa siya pero nang makita niyang sold out na ito ay nagtatalon siya sa tuwa.

Matatandaang binuksan ni Kim ang kanyang bagong negosyo last Oct. 16 at masayang-masaya siya na finally ay isa na rin siyang entrepreneur.

“I am beyond excited now that I have something I can call my own,” ang sey pa niya sa kanyang caption when she announced na may negosyo na nga siya.

AUTHOR PROFILE