Mamasapano2

Cast member ng ‘Mamasapano,’ nag-inarte

October 26, 2022 Jun Nardo 489 views

REJECTED ang script ng Mamasapano nang una itong sinumite last 2020 Metro Manila Film Festival.

Pero ngayon, isa na ang movie ng Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio sa walong official entries ngayong December festival.

Totoong pangyayari ang ipakikita sa movie tungkol sa bakbakan sa Maguindanao kung saan 44 members ng Special Action Force (SAF) ang namatay.

Ayon kay Atty. Topacio, sa facts naka-base ang story nito. Hindi ito ginawa upang ilagay sa bad light ang mga taong sangkot.

“We want truth to come out. Pero ngayon, gusto naming pasalamatan ang MMFF dahil isa kami sa entries,” saad pa ng producer.

Bida rito si Edu Manzano bilang si General Magalong.

Kasama rin sa cast sina Claudine Barretto, Gerald Santos, na nu’ng may nagsabi sa lawyer na kasama si Gerald, natuwa siya dahil inakala niyang si Gerald Anderson ito.

Kahit napalitan ang unang director ng movie at may nag-inarteng cast na ayaw marumihan sa action scenes, natapos pa rin ang movie na isang passion project ni Atty. Topacio.

After Mamasapano, isang rom-com naman ang gagawin ng Borracho, ang Spring In Prague na dito sa ’Pinas at sa Prague kukunan.

NAG-TRENDING

UMABOT na ng 88 million views at trending pa ang unang Halloween party ng Sparkle GMA Artist Center na “Sparkle Spell: Ghosting Made Fun.”

In less than 36 hours, nakapagtala ng 88 million views sa iba’t ibang platforms ng GMA at Sparkle.

Best dressed ang couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos; Scariest Costume Award naman ang naiuwi ni Miguel Tanfelix; at best dressed male si Alden Richards.

Congratulations, Sparkle GMA Artist Center!

AUTHOR PROFILE