Angel Locsin

Angel natsitsismis na magbabalik-Kapuso

April 16, 2024 Vinia Vivar 86 views

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media si Angel Locsin. Ang dahilan? May tsika na babalik na sa GMA-7 ang aktres.

Matatandaan na sa GMA-7 talaga naunang sumikat si Angel at lumipat lamang sa ABS-CBN noong 2007.

Kahapon ay may blind item na lumabas sa X (dating Twitter) mula sa Kapuso Buzz account tungkol sa isang aktres na magbabalik-Kapuso.

Ang deskripsyon sa blind item ay isang “dyosa” at “reyna” ang aktres.

“Ang muling pagbabalik ng nag-iisang DYOSA ay mangyayari na! Abangan!” ang nakasaad sa caption.

Sa isa namang post ay nakasaad na “The QUEEN of all generations is coming home where she truly belongs. SOON.”

Sa comment section ay marami ang humuhula na baka si Angel ang tinutukoy sa BI.

May nagsabi rin na baka si Anne Curtis.

Pero mas maraming humula kay Angel.

May isang netizen naman ang nagsabing fake news ang tsika na si Angel ang lilipat at baka collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN ang proyekto if ever na may pinaplano nga.

Well, let’s wait and see kung tama ang hula ng mga netizen.

Sa ngayon kasi ay missing in action pa si Angel at base sa latest update ng kaibigan niyang si Dimples, happy ang aktres sa buhay ngayon.

Kaya nakagtataka na biglang may balita na magbabalik na siya sa showbiz.

AUTHOR PROFILE