Ang kuwento ni Cherrymay

November 3, 2021 Aster Amoyo 70 views

ISANG bukas na liham ang aming natanggap kahapon, November 3 via Messenger mula kay Cherrymay Valdez Jensen, ina ni Joshua Paolo Valdez Jensen (24), ang nagki-claim na anak umano (sa labas) ng kilalang singer-actor, businessman at congressional candidate ng North Cebu sa darating na May 2022 elections na si Richard Yap.

Ayon sa liham ni Cherrymay na official statement na rin umano niya, nagkakilala umano sila ng ng singer-actor at businessman nung 1996 nung siya’y 22 years old pa lamang habang 27 si Richard. Nangyari ito sa Euphoria Disco ng Hotel Intercontinental in Makati City kung saan umano siya nagtatrabaho bilang public relations officer (PRO). Si Richard ay commercial model na rin noon ng isang kilalang food chain.

Sila pa umano ni Richard nang mabalitaan ni Cherrymay na engaged na umano ang actor sa wife nito ngayon na si Melody kaya siya na umano ang lumayo.

Hindi ikinakaila ni Cherrymay na agad nahulog ang kanyang loob kay Richard at nagkaroon umano sila ng relasyon at nagkaroon ito ng bunga, si Joshua Paolo Jensen na kanyang isinilang nung October 5, 1997. Nang malaman niyang buntis siya, agad umano niya itong ipinaalam kay Richard at nangakong susuportahan umano ang kanilang magiging anak. Humarap pa umano ang hindi pa artista noon na si Richard sa ina at mga tiyahin ni Cherrymay at isang beses siyang sinamahang magpa-ultrasound sa isang clinic in Pasig. Pero pagkatapos noon ay hindi na umano nagpakita at nagparamdam si Richard hanggang maisilang niya ang kanyang anak at mag-isang pinalaki sa tulong ng kanyang ina at ibang kaanak.

Matagal na panahon na umano silang nagre-reach out sa singer-actor para magkakilala ang mag-ama pero hindi umano sila nabibigyan ng pagkakataon na harapin at kausapin.

Ayon kay Cherrymay, pumapayag umano siyang magpa-DNA test ang kanyang anak para malaman kung totoo ngang anak ni Richard si Joshua.

Sampung taong gulang si Joshua nang kanyang malaman na si Richard ang kanyang ama.

“Magmula po noon ay hindi na po ako mapakali,” pag-amin ni Joshua. “Gusto ko po siyang makilala pero sa maraming pagkakataon ay hindi po niya ako kailanman hinarap,” aniya.

Bilang isang anak, gusto rin ni Joshua na makilala ang kanyang biological father at mabuo ang kanyang pagkatao. Dahil hindi naman daw siya nabibigyan ng pagkakataon sa kabila ng maraming attempts na makaharap o makausap man lamang ang singer-actor, napilitan umano siyang mag-file ng paternity recognition and affiliation sa Cebu Trial Court last October 28, 2021 sa tulong umano ng ilang concerned friends in Cebu kung saan siya nag-stay at nag-trabaho sa loob ng isang taon.

Si Joshua ay isinilang sa Bacoor, Cavite ng kanyang Filipina-German mother na si Cherrymay Valdez Jensen.

Gusto rin sana naming makuha ang panig ni Richard kaya nag-iwan kami ng mensahe sa kanyang Facebook and Messenger account but as of this writing ay wala pa kaming sagot na natatanggap mula sa singer-actor at kapareha ni Heart Evangelista sa upcoming TV series ng GMA, ang “I Left My Heart in Sorsogon”.

Richard1Leading men ni Heart parehong nasa hot seat

PAREHONG nasa `hot seat’ ngayon ang dalawang leading men ng Kapuso singer-actress, painter, entrepreneur at celebrity endorser na si Heart Evangelista sa upcoming TV series ng GMA, ang “I Left My Heart in Sorsogon” na sina Paolo Contis at Richard Yap.

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang hiwalayan nina Paolo at Kapuso actress na si LJ Reyes kung kanino may two-year-old daughter ang actor na si Summer Ayana. Nasa gitna rin ng kontrobersiya ngayon ang singer-actor na si Richard dahil sa paglantad ng diumano’y anak niya sa labas na nagngangalang Joshua Paolo Jensen (24) sa ina nitong si Cherrymay Valdez Jensen.

Although unti-unti nang nagda-die down ang usapin sa pagitan nina Paolo at dating partner na si LJ, si Richard naman ngayon ang nasa sentro ng kontrobersiya. Pero sinabi ng Kapuso singer-actor na politically-motivated ang paglantad ng nagki-claim na anak umano niyang si Joshua Paolo sa isang nagngangalang Cherrymay Valdez Jensen.

RichardSiargao now a star-studded island

PARAMI nang parami ang celebrities na nalu-lure sa ganda ng Siargao island na pinatunayan ng actress-surfer na si Andi Eigenmann who eventually decided to live in the island kung saan niya nakilala ang kanyang surfer fiancé na si Philmar Alipayo, ama ng dalawa niyang anak na sina Lilo at Koa.

Ang isa pang naka-base ngayon sa Siargao ay ang 2018 Miss World Philippines na si Katarina Rodriguez who is soon to give birth sa first baby (a boy) nila ng kanyang partner na si Nino Barbers.

Madalas ding makita ngayon sa Siargao ay ang ex-girlfriend ni James Reid, ang singer-actress na si Nadine Lustre hindi lamang dahil sa surfing kundi may business sa nasabing island ang kanyang rumored boyfriend, ang French businessman na si Christophe Bariou.

Ang dalawa pang actress na nawiwili ngayon sa surfing at sa ganda ng isla ay sina Yassi Pressman at Heaven Peralejo. There are other celebrities who frequent the island.

Gab minana kay Gary pati sakit

INAMIN ng second son ng mag-asawang Gary Valenciano and Angeli Pangilinan-Valenciano, ang singer-dancer, choreographer, musician, director at vlogger na si Gab Valenciano (33) that he was diagnosed of pre-diabetic which he shared sa kanyang Instagram account last Monday, November 1. Ang ama ni Gab na si Gary V. was diagnosed of Type 1 juvenile diabetes at age 13 at sumailalim ng heart surgery nung May 6, 2018 and most recently ay kinapitan ito ng dengue.

It was in 2015 nang pakasalan ni Gab ang kanyang ex-wife na ngayon na si Tricia Centenera pero hindi man lamang umabot ng isang taon ang kanilang pagsasama na nauwi sa hiwalayan in 2016.

Gab is now in a relationship with a non-showbiz girlfriend na nagngangalang Joann Santiago.

TitozenTito Sen nililigawan pa rin si Helen hanggang ngayon

VICE-Presidentiable at Senate President Tito Sotto admits na ang pagiging God-centered nila ng kanyang wife of 52 years, ang veteran singer-actress na si Helen Gamboa ang sikreto kung bakit hanggang ngayon ay buo pa rin ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

“Kahit 52 years na kaming mag-asawa, patuloy pa rin niya akong nililigawan,” natatawang kuwento ng misis ni Tito Sen na si Helen.

Ayon sa one-third ng Tito, Vic & Joey kasama ng kanyang bunsong kapatid na si Vic Sotto at longtime friend na si Joey de Leon, inilalagay umano niya sa `pedestal’ ang kanyang misis na kanyang itinanan nung September 22, 1969 at dinala sa Santo Tomas, Batangas kung saan niya ito sikretong pinakasalan sa simbahan with just Tito’s older brother na si Val Sotto at kaibigang si Gary Torres as witnesses.

Helen was only 21 at 18 naman si Tito nang magtanan ang dalawa. Helen was at the peak of her career habang sikat na sikat din noon ang Tilt Down Men combo (band) kung saan kabilang si Tito at nakatatanda nitong kapatid na si Val Sotto.

Ang original plan, magtatanan sina Tito at Helen at sikretong magpapakasal sa isang judge in Santo Tomas pero ibabalik din ng dating host ng “Eat Bulaga” and former actor-comedian si Helen sa kanila on same same day. Pero nagka-bulilyaso dahil ang kaibigang judge ng barkada ni Tito Sen na si Gary Torres ay nag-out of town kaya napunta sila sa simbahan at doon sila ikinasal. Wala pa umanong seminar at counseling at that time. Pagbalik nila ng Maynila ay saka lamang sinamahan ni Tito Sen si Helen sa kanilang bahay at doon lamang pinayagan si Tito na dalawin ang singer-actress kahit mag-asawa na sila.

“Isang oras thrice a week lamang ako puwedeng dumalaw kay Helen sa bahay nila,” pag-amin ni Tito Sen.

Pero nang makita ng mother ni Helen na Gng. Eusebia Pangilinan-Gamboa na tapat ang hangarin ni Tito Sen sa kanyang anak ay saka lamang sila pinayagang magpakasal muli sa simbahan in 1971 with their respective families, relatives and friends in attendance.

AUTHOR PROFILE