Alden

Alden, hinahanap ng fans sa ‘Bulaga’

November 3, 2021 People's Tonight 68 views

HINAHANAP na ng fans at televiewers si Alden Richards sa Eat Bulaga.

Nakabalik na sa noontime show si Maine Mendoza kaya naman rambol na naman sa katatawanan at kasiyahan sa programa habang kasama niya sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at ang paminsan-minsan na si Allan K.

Sa pagkakaalam namin, natapos na si Alden sa lock-in taping ng GMA series niyang The World Between Us.

Nakatakda itong bumalik sa primetime sa November 15.

Baka naman pinapagpahinga muna si Alden after ng lock- in taping niya bago isalang sa Bulaga.

Eh, sa photos niyang naglalabasan sa social media, guwaping na guwaping siya sa look niya na malamang ay may kaugnayan sa pagbabago ng character niya sa series, huh!

Kuya KimKUYA KIM, MAPAPASABAK SA DALDALAN

MAPAPASABAK sa daldalan si Kuya Kim Atienza kina Iya Villania at Camille Prats ngayong sumabak na siya bilang kasama nila sa Mars Pa More!

Naku, knows naman ninyo ang mga bibig nina Iya at Camille na ilang taon na nating napapanood sa umaga.

’Yun nga lang, isasalang si Kuya Kim sa labas ng studio para sa sarili niyang segment sa programa.

Pero binago rin daw ang studio ng show, ayon kay Kuya Kim. Sobrang laki at maaliwalas na raw ang studio. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE