Andres3

Andres bukas maki-join sa ‘It’s Showtime’

April 15, 2024 Ian F. Fariñas 83 views

Andres4OPISYAL na ngang sumabak sa show business ang guwapung-guwapong anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Andres Muhlach.

Pormal nang pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) at humarap sa isang press conference kahapon ang tinaguriang “Prince of Hearts.”

Flattered umano si Andres sa atensyon at titulong ibinigay sa kanya bilang isa sa hottest at talaga namang kinakikiligang heartthrobs ngayon.

Malaki nga ang plano para sa kanya ng Viva bosses na sina Vincent, Veronique at Val del Rosario kabilang na ang pagbibida sa kauna-unahan niyang sitcom, ang Da Pers Family, kasama sina Aga, Charlene at kakambal na si Atasha.

In two weeks’ time, sisimulan na ang taping ng family sitcom na co-produced ng Viva at TV5 at iere sa Mayo.

Pagdating sa pelikula, sinabi ng showbiz royalty na bet niyang gawin ang remake ng Palos, ang proyektong nagpasikat sa lolo niyang si Bernard Bonnin.

“The movie that I’ve been considering and I’ve been thinking about is Palos by Bernard Bonnin because he is my lolo, actually. He’s my mother’s father and I never really got the chance to really spend time with him or really speak to him. So, if I had to pick a movie, it would be Palos,” pahayag ng 22-anyos na binata.

nang tanungin naman kung sino ang mga artistang nais niyang makatrabaho, binanggit ni Andres si John Lloyd Cruz, na nakasama ng daddy niya sa pelikulang Dubai.

Kwento ni Andres, isa ang Dubai sa mga pelikula in Aga na paborito niya. Katunayan, naluha raw siya habang pinapanood ito. Bukod sa Dubai, paborito rin niya ang Kailangan Kita.

Pagdating sa TV, hindi umano siya nagsasara ng pinto sa posibilidad ng pagtatrabaho sa kahit anong programa.

Matatandaan na kamakailan ay nag-guest si Andres sa Eat Bulaga kung saan regular dabarkads si Tash.

“I’m not closing my doors to anything, really and I’m proud of Tash in Eat Bulaga,” aniya.

Hindi rin umano magiging problema sakali mang alukin siyang mag-join sa kalaban ng EB na It’s Showtime.

Katwiran ni Andres, “I wouldn’t say it’s a problem, really. At the end of the day, we’re just trying to do our job or make sense of our job so I wouldn’t say there would be a problem.”

Gaya ng sabi niya sa mga naunang interviews, bata pa lang ay talagang interesado na siyang sumabak sa industriyang minahal ng mga magulang nila ni Tash.

Mas vocal nga lang umano si Tash tungkol dito kaya mas nauna itong pumalaot sa showbiz.

Isa pa, may isang taon pa siyang tatapusin sa Business and Communications course niya sa isang university sa Spain.

Sa ngayon, on break si Andres sa pag-aaral pero pangako niyang tatapusin ito dahil alam daw niya kung gaano kahalaga ang edukasyon sa buhay ng tao.

Habang bakasyon, sumasailalim siya sa acting, dance at singing workshops at nagwo-workout din dahil willing umano siyang magbilad ng katawa “for the right role, for the right project.”

“I don’t want to be unprepared ‘pag may scene na shirtless,” diin pa ng Bench model.

AUTHOR PROFILE