Ambuklao dam

Ambuklao at Binga dam nagpakawala ng tubig

July 26, 2023 Zaida I. Delos Reyes 317 views

DAHIL sa walang tigil na buhos ng ulan bunga ng pananalasa ng Super typhoon Egay, nagpakawala ng tubig ang dalawang dam sa Benguet.

Batay sa ulat na inilabas ng Flood Forecasting and Warning Section ng PAGASA nitong Miyerkules, binuksan ang isang gate ng Ambuklao dam dakong 11:00 ng umaga.

Ayon sa ulat, umabot sa 747.85 meters ang lebel ng tubig sa Ambuklao dakong 6:00 ng umaga.

Nauna nang nagpakawala ng tubig ang Binga Dam nitong July 25 kung saan isang gate din ang binuksan.

Dahil dito, inabisuhan ng local disaster risk reduction and management councils ang mga residente na nasa Barangay Ambuklao, Bokod at Barangay Dalupirip, at Tinongdan sa Itogon na manatiling alerto sa epekto ng pagpapakawala ng tubig sa dalawang dam.