AMBS nina Willie at dating senador Villar, inaabangan na

July 7, 2022 Aster Amoyo 352 views

Willie1Willie2

BAGO pa man nag-expire ang kontrata ng game show host-producer and businessman na si Willie Revillame sa GMA nung February 15, 2022 ay nagpaalam na siya sa pamunuan at nagpaalam ang “Wowowin” sa ere nung February 11, 2022.

Ang rason, he joined his good friend, ang dating Senate President at mega businessman na si Manny Villar na siyang nakakuha ng prime frequency ng ABS-CBN.

Villar put up his own Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at si Willie ang magiging mukha ng nasabing TV network which will start operating sa darating na September 2022.

Ongoing na ang clearing operations ng mga sinehan sa Starmall (Shaw Blvd. and EDSA) in Mandaluyong dahil ang mga ito ang gagawing studios ng AMBS na ang isa ay gagawing dedicated studio para sa daily game show program ni Willie, ang “Wowowin: Tutok to Win”.

Masayang-masaya si Willie sa patuloy na tiwala na ibingay sa kanya ni former Senate President Villar. Sa rami ng nawalan ng trabaho sa bakuran ng ABS-CBN nang mawalan ito ng prangkisa nung May 5, 2020, tiyak na marami sa kanila ang magkakaroon ng bagong opportunity sa bakuran ng AMBS, gayundin ang maraming actors, writers, directors, hosts, production, crew and industry people.

With Willie as the new face ng AMBS, isa ang bagong tayong TV and radio network ang aabangan ng publiko kung ano ang kanilang mga bagong programa na maihahain sa publiko.

Showtime

‘It’s Showtime’ mapapanood na sa TV5

ALTHOUGH napapanood na rin sa free TV ang maraming programa ng ABS-CBN sa pamamagitan sa A2Z (Channel 11) maging sa TV5, marami ang nagulat nang mapabalita na mapapanood na rin ang top-rating noontime program ng Kapamilya , ang “It’s Showtime” sa TV5 at makaka-back-to-back ito ng “Shout Out Loud,” ang noontime show na produced ng businessman at dating politician na si Albee Benitez under his own Brightlight Productions .

It will start this month of July.

Wala pang official na pahayag kung alin sa dalawang dating competing noontime shows ang mauunang umere.

Sabi nga ni MJ Marfori ng TV5, “ang dating magkatapat ngayon ay magkapatid na.”

Ang “It’s Showtime” ay bagong karagdagang programa ng ABS-CBN na mapapanood na rin sa TV5. Nauna na rito ang “ASAP Natin `To,” “FPJ: Da King,” “Idol Philippines” at lahat ng primetime TV series programs ng Kapamilya network.

Nico

Viva welcomes Nico Locco

HINDI ikinakaila ng 26-year-old Italian-Canadian model-actor na si Nico Locco who is Nicholas Timothy Fowler in real life na sobra umano siyang naapektuhan sa maagang pagpanaw ng kanyang manager, ang director-producer na si Mark Shandii Bacolod na malaki ang naitulong sa kanya na ma-penetrate niya ang pagiging isang actor-host sa Pilipinas.

Direk Shandii, Nico and other company were in Bangkok, Thailand to shoot for a new project nang hindi inaasahang atakehin sa puso ang batang director nung nakaraang June 8, 2022 na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Bago pa man sila nagtungo ng Bangkok ay may lalagdaan na silang co-management contract with Viva Artists Agency.

Last Wednesday afternoon, July 6 ay humarap si Nico sa entertainment media via digital presscon announcing his launch as the newest member ng Viva family, his first solo presscon ever since he became an actor in the Philippines.

Although nakagawa na rin si Nico ng iba’t ibang proyekto in South Korea, Jakarta, Indonesia and in Vancouver, Canada, sa Pilipinas niya natagpuan ang kanyang passion in acting and hosting na kanyang sinimulan in 2017.

Since wala siyang kaalam-alam sa pagsasalita ng Tagalog noon, kumuha siya ng private tutor at naging passionate umano siya sa kanyang pag-aaral ng lengwahe hanggang sa ma-perfect niya ito and can now communicate perfectly in Tagalog just like any locals.

Before he did his first award-winning movie in the Philippines, ang thriller movie na “Sabado” na dinirek ni Carlo Alvarez in 2019, he head some guestings sa ilang programa on GMA tulad ng “Tadhana,” ”Wagas,” “Daddy’s Gurl” at sa TV series na “Victor Magtanggol,” “Prima Donnas” at “Wait Ka Lang…Is This Love?”, nakagawa rin siya ng pelikula sa South Korea, ang “Byeonshin”.

Nico holds the record as the very first foreigner actor na nanalong BestActor (for the movie “Sabado”) in a local award-winning body, ang Gawad Tanglaw which won five other awards.

His father who is a director in Hollywood encouraged him na subukan ang acting and he took continuous acting workshops since he was ten years old not knowing na rito siya sa Pilipinas babagsak.

“I love the Philippines and I love the people here,” pag-amin pa ng Italian-Canadian actor-host.

Matapos niyang gawin ang BL series na “Love at the End of the World”directed and produced ng yumaong si Direk Shandii, Nico is looking forward to more projects ngayong nasa bakuran na siya ng Viva. He also looks forward to work with other Viva stars and artists tulad nina Ann Curtis, Yassi Pressman, Christine Bermas at iba pa.

Wala rin umano siyang kiyeme sa mga sexy roles even if it would require him to unrobe.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE