VoltesV

Ambassador ng Japan, bumilib sa ‘Voltes V Legacy’

May 1, 2023 Ian F. Fariñas 303 views

Todo-puri si Ambassador of Japan to the Philippines Koshikawa Kazuhiko sa napanood niyang special edit ng megaserye ng GMA 7 na Voltes V Legacy: The Cinematic Experience.

Base sa kanyang tweet noong Martes (April 25), sinabi ng opisyal na “AN EXPERIENCE INDEED! Had the chance to watch #V5LegacyTheCinematicExperience with my wife. It will definitely fascinate a new generation of Voltes V fans.”

Hindi rin pinalampas ng Ambassador ang outstanding performance ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose na kumanta ng iconic theme song ng live action series.

Ayon sa kanya, “The bright and powerful rendition of Voltes V No Uta by Ms. Julie Anne San Jose perfectly match its impact!”

Inilabas na rin ng GMA Network ang official music video ng Voltes V No Uta at agad itong umani ng papuri mula sa netizens.

Komento ng ilan sa Facebook page ng Voltes V: Legacy, “Nostalgic & teary eyed while watching this music video kasi parang bumabalik ako sa aking kabataan. Ang lupet ng production at soundtrack parang original na may upgrade!”

“She’s amazing! No wonder she’s called Asia’s Limitless Star. Every detail of the original song, she delivered it with grace. And she delivered it in her own special way. Excited to see this Mega series. Can’t wait!! Let’s Volt In,” dagdag pa ng isang Kapuso.

Extended sa ilang SM Cinemas ang Voltes V Legacy: The Cinematic Experience hanggang ngayong Martes, May 2.

Abangan ang world premiere ng Voltes V: Legacy sa May 8, 8 p.m., sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE