Default Thumbnail

Ama nakitang may hawak pang baril dedo, duguang anak

April 30, 2021 Melnie Ragasa-limena 299 views

NATAGPUANG wala ng buhay at may tama sa sentido ang isang 17-anyos na binatilyo sa loob ng kaniyang silid sa Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.

Ang biktima ay huli umanong nakitang buhay bandang alas-3 ng hapon.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-7:45 ng gabi (April 29) nang matagpuan ang biktima na naliligo na sa sariling dugo sa loob ng kaniyang silid.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Alvin Quisumbing sa ama ng biktima, nakita na lamang umano niya ang anak na duguan at nakahandusay sa silid habang hawak pa ang hindi pa batid na kalibre ng baril na ginamit sa pagpapatiwakal.

Agad umano siyang humingi ng saklolo sa kanilang mga tanod sa at isinugod pa sa Quezon City General Hospital (QCGH) ang binatilyo subalit idineklara itong dead-on-arrival bandang alas -8:51 ng gabi.

Hindi naman masabi ng ama ng binatilyo ang dahilan ng pagpapakamatay ng anak at kung saan nakakuha ng baril na ginamit nito upang tapusin ang kaniyang buhay.