Alden

Alden, mangiyak-ngiyak sa interbyu ng ‘Eat Bulaga’

March 22, 2023 Vinia Vivar 248 views

Para kay Alden Richards, mananatili na ang Eat Bulaga ang kanyang second permanent home.

Sa vlog na inilabas ng Eat Bulaga called “Dabarkads Vlogs” last Sunday, makikita ang panayam kay Alden na mukhang kuha pa noong nagbalik siya sa nasabing noontime show last March. 11.

Sa nasabing panayam ay nagbahagi ang Asia’s Multimedia Star ng ilang bagay tungkol sa EB, gayundin ang kanyang naging journey mula nang maging host siya rito at mabuo ang phenomenal loveteam nila ni Maine Mendoza na AlDub.

“I’ve been part of the show for eight years already. Kapag lumalabas ako or whenever I do shows, in a way, medyo kadikit ko na ang pangalan ng Eat Bulaga,” ani Alden.

Isang taon siyang nawala sa programa dahil naging busy siya last year sa kanyang mga showbiz commitment pero nang bumalik siya last March 11 ay hindi niya talaga mapigilang maging emosyonal.

“Du’n ako naging emosyonal kanina, pagpasok ko, kasi ‘yung yakap ng mga Dabarkads kanina, nandu’n ‘yung parang…,” sey ni Alden na naiiyak.

“Parang ang sarap lang sa pakiramdam na ‘ay na-miss ka pala nila.’ Sila ‘yung perfect definition ng family na kahit sobrang tagal n’yong hindi nag-usap or sobrang tagal n’yong hindi magkasama physically, pagbalik mo, walang nagbago. Kaya iba ‘yung naramdaman ko kanina,” dagdag niya.

“Sa lahat po ng nagtatanong sa kasuluk-sulukan ng universe, ‘andito na po ako,” sey pa niya.

“Kung maaalala n’yo kasi, Broadway pa, eh. Tapos si Ma’am Allan (Allan K) ang nagtanong sa akin nu’n. Kahit ano ang mangyari, kahit saan daw ako makarating, Eat Bulaga will always be here for me. This is my second permanent home,” pahayag ng aktor.

Ipinaliwanag din niya na kaya hindi siya napapanood sa show for the past year ay dahil nag-pile-up ang mga project na dapat niyang gawin plus nagtayo pa siya ng negosyo.

“Gusto ko, ‘pag bumalik ako, committed ako, kahit hindi man everyday, basta at least, hindi lang ako mawawala for the week. So, inayos ko muna lahat ‘yon para pagbalik ko rito, at least, buo ako na haharap sa mga Dabarkads and to be a host of the show,” he explained.

’Yun nga lang, hindi pa rin malinaw kung ano ba ang magiging sitwasyon sa mga pagbabagong magaganap sa EB sa ilalim ng bagong pamunuan.

But the fact na nagsalita si Alden that he’s back, ibig sabihin, committed siya sa pagbabalik at mukhang mapapanood pa rin natin siya with Tito, Vic & Joey sa bagong-bihis na Eat Bulaga.

AUTHOR PROFILE