Ara

Ara, wish makasama si Piolo o Ian sa rom-com

March 22, 2023 Jun Nardo 306 views

ANG makagawa ng romantic-comedy movie ang gustong ma-achieve ng aktres na si Ara Mina. Ang genre na ganito ang hindi pa niya nagagawa sa maraming taon niya sa movies.

“Oo, hindi pa ako nakakagawa ng rom-com. ‘Yun ang gusto kong gawin naman.

“Ang leading man? Puwede na si Piolo Pascual o si Ian Veneracion na nakasama ko sa That’s Entertainment pero sa iba siyang araw,” pahayag ni Ara nang maging guest namin sa Marites University podcast na patuloy ninyong tangkilin at panoorin, huh!

Although hindi pa naipalalabas ang ginawang movies na tungkol sa lifestory ng isang mayor sa Mindanao, natapos na rin ang drama na Litrato and soon, gagawin ang pelikulang Poon with Lotlot de Leon and Janice de Belen.

Pero natupad na ang pangarap ni Ara na mag-host ng isang lifestyle show at sa Net25 ito mapapanood.

Ang title nito ay Magandang Ara!

Anak?

“Darating din ‘yan. Alam naman ni Dave (Almarinez, her hubby) na nagsunud-sunod ang work ko ngayon,” rason ni Ara.

Anyway, patuloy ninyong tangkilikin ang aming Marites University podcast na nasa YouTube, Facebook, Twitter at Instagram every Tuesday and Friday evening.

CO-STARS, MASAYA PARA KAY KLEA

Klea2ONE year nang inspirado sa kanyang personal life ang Kapuso Sparkle artist na si Althea Ablan na napapanood tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime.

Eh, may isang Prince Clemente sa buhay ni Althea na nagbibigay ng kulay sa araw-araw.

“Isang taon na po kami ni Prince,” ayon kay Althea nang makausap namin sa podcast na Marites University.

Pero ang co-star niyang si Shayne Sava, eh, sa career naka-focus. Wala silang relasyon ng ka-loveteam niyang si Abdul Rahman.

Sa nasabing GMA series, co-star niya si Klea Pineda na recently ay umamin na tomboy.

Para kina Althea at Shayne, “We are happy for Klea sa decision niyang magsabi ng totoong feeling niya.”

AUTHOR PROFILE