pic

Alden malaki ang kinita sa Eraserheads concert

December 27, 2022 Aster Amoyo 805 views

THE legendary Eraserheads’ reunion concert called “Ang Huling El Bimbo” held at the SMDC open grounds in Paranaque City last Thursday, December 22 made musical history in the Philippine music scene when about 75,000 people flocked to the site to witness the reunion of the band who disbanded in 2002.

Composed of Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala and Marcus Adoro, the music icon band wowed the huge crowd with their classic hits who waited and endured for hours to witness the rare event.

Special guest Gary Valenciano was so honored to be part of the iconic music event and doubly proud dahil ang kanyang panganay na anak na si Paolo Valenciano ang nag-direct ng kakaibang reunion concert ng grupo as this is one special music event to remember.

Ang mag-asawang Sen. Mark and Emy Villar braved the crowd and stood up for hours not to miss the said event.

Naroon din si Sen. JV Ejercito at maraming iba pang celebrities.

Tiyak na masayang-masaya ang mga producer ng concert ng grupo na kinabibilangan ng Kapuso singer, actor, celebrity endorser and entrepreneur na si Alden Richards. Ito bale ang first time ni Alden na mag-co-produce ng isang major concert at hindi siya nagkamali dahil tiyak na malaki ang kanyang kinita.

Pagkatapos ng final reunion concert sa Pilipinas, ito’y susundan ng kanilang world concert tour na kanilang sisimulan sa Amerika at North America.

Pol

Pol nag-retire para alagaan ang ina

NATATANDAAN pa ba ninyo ang singer-songwriter and occasional actor na si Pol Enriquez (or Paul Enriquez) nung dekada sitenta at otsenta? Pol, a bass-baritone balladeer who popularized the hit song “Ayoko Na Sa `Yo” under Vicor Music Corporation married former OctoArts International recording artist Jing Velasco (who recorded the song “Ikaw Kasi”) in the 80’s and had since relocated in Houston, Texas with their three sons (now all married) and
seven grand children. The singer-songwriter also recorded the song “Buhay Pag- asa,” isang inspirational song na naging runner up sa Metro Pop Music Festival.

Now married for forty years, Pol or Paul retired six years ago para alagaan ang kanyang 96-year-old mother who stays with them kasama ang parents ni  Jing who works full-time sa isang financial investment company. In between
ay aktibo pa rin ang mag-asawa mag-perform as singers around Texas at ibang bahagi ng Amerika.

JannoJanno1Janno2

Ogie at Janno nagkaroon ng reunion dinner

DAHIL hindi personal na nakadalo ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid as godparents sa kasal ng isa sa dalawang anak nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga-Gibbs na si Chi (Alynna) at mister na nitong si Anton Cruz na ginanap sa Sydney, Australia last November 27, 2022, nag-host ang mag-asawang Ogie at Regine ng isang intimate dinner sa Finestra ng Solaire Hotel (Resort and Casino) recently kasama ang kanilang anak na si Nate na dinaluhan din ng mag- asawang Janno at Bing.

Sina Ogie at Janno ay the best of friends at mag- kumpare na nagsimula nang magsama sila sa isang comedy-musical show na “Small Brothers” in 1991 na dinirek ng yumaong veteran TV director na si Bert de Leon.

Although hindi nakasama sa nasabing dinner ang isa pang anak nina Janno at Bing na si Gab (Gabrielle), parang reunion dinner na rin `yun nina Ogie at Janno with their respective wives. Wala rin doon ang dalawang anak ni Ogie sa una nitong wife na si Michelle van Eimeren na sina Leila at Sarah na nasa Australia.

Sina Ogie at Janno ay matagal ding nagsama sa bakuran ng GMA sa programang “SOP Rules” at “Party Pilipinas”.

Matagal ding naging Kapuso ang OPM king dahil sa gag show na “Bubble Gang” na sinimulan nila ng isa pa niyang
kumpare at close friend na si Michael V.

Jason at Vickie gustong magkaanak ngayong 2023

PANGARAP ng celebrity couple na sina Jason Abalos at Vicky Rushton-Abalos na magkaroon ng baby ngayong 2023. Ang mag-asawa ay ikinasal last September 1, 2022 after being engaged for one year at pagiging magkasintahan sa loob ng sampung taon.

The actor-politician Jason (37) married former beauty queen and ex-PBB housemate Vickie(30) sa San Antonio de Padua Parish in Tagaytay City.

Bukod sa kanyang pagiging Kapuso actor, si Jason ay kasalukuyang nanunungkulan bilang miyembro ng Provincial Board ng Nueva Ecija. He was born in Pantabangan, Nueva Ecija.

SharonKCSharon1

KC umuwi para mag-Pasko kasama si Sharon at pamilya

MASAYANG ipinagdiwang ang Pasko ng mag-asawang megastar Sharon Cuneta at dating senador na si Kiko Pangilinan kasama ang kanilang mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel. Kumpleto ang kanilang pagdiriwang dahil kapiling din nila si KC Concepcion (anak ni Sharon sa una nitong mister na si Gabby Concepcion) na umuwi to spend the Christmas holidays with her family.

Para sa mag-asawang Sharon at Kiko, spending Christmas na kumpleto ang kanilang pamilya ang isa sa pinakamasayang salu-salo pa sa kanila.

Since wala na sa pulitika si Kiko, he spends more quality time with his family which Sharon is now on semi-retired mode from her showbiz career.

Sharon’s eldest daughter KC is now based in Los Angeles, California, USA
while Frankie studies in New York City, USA.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo”. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE