Alden

Alden, ayaw ipakalkal sa press ang lovelife

July 16, 2023 Ian F. Fariñas 222 views

Ayon kay Alden Richards ay boring pa rin ang lovelife niya kaya hangga’t maaari, ayaw na niya itong itinatanong sa kanya.

“Kasi kinakalkal po every day, eh,” sabi ni Alden sa interview ni Boy Abunda, “but mabait naman po ang mga press people natin, napapakiusapan naman sila.”

Dagdag pa niya, “Kumbaga, ‘Wag n’yo na lang pong tanungin, boring po ‘yung lovelife ko.”

Sey pa ng Kapuso actor, ang lovelife lang niya ang natitira sa kanya na gusto niyang maging pribado kaya hindi siya gaanong nagsasalita tungkol dito.

“Parang ‘yun na lang ‘yung kaya kong i-protect, Tito Boy. I think that’s the only thing na I can save,” he said.

Pero aminado siyang because of his career, nawalan siya ng lovelife.

“I wouldn’t say that my career is always right but maybe it’s not yet the right time for love para po sa akin,” aniya.

AUTHOR PROFILE