Andrea

Aktres, ayaw magpanggap sa breakup kay Ricci… Andrea, ninanamnam ang sakit ng hiwalayan

June 15, 2023 Vinia Vivar 270 views

Nagsalita na si Andrea Brillantes sa hiwalayan nila ni Ricci Rivero. Sa guesting niya sa Magandang Buhay, sinabi ng aktres na hindi pa rin niya fully accepted ang pangyayari at kasalukuyan pa niya itong pinuproseso.

Sa simula pa lang ng show ay tinanong na siya ng isa sa hosts na si Regine Velasquez kung paano niya ire-rate ang kanyang pagiging malaya, at sey ng dalaga, “8.5.”

Tinanong naman siya ng isa pang host na si Melai Cantiveros kung kumusta na ang puso niya at kung malaya na rin ba ito.

“’Yung puso ko po, tingin ko, okay naman siya. I mean kasi, it could be worse sa mga nagaganap ngayon. Puwedeng wala rin ako rito today kasi hindi ko kayang humarap sa mga tao. Pero tingin ko naman po sa lahat ng nagaganap, okay siya ngayon,” sagot ni Blythe (real name ni Andrea).

“Tapos, kung malaya na ba ‘ko, parang ‘di pa po ako malaya fully,” pag-amin pa niya..

“Tingin ko po kasi kapag sinabing freedom, may part doon ng acceptance. Kasi naa-accept mo na na kailangan mo nang i-let go ang mga bagay-bagay,” paliwanag ni Andrea.

Aniya, hindi madaling i-let go ang mga bagay-bagay lalo pa nga’t totoo ang kanyang pagmamahal.

“Ako po kasi, aminado ako na since ang bagu-bago pa lang po talaga ng lahat, at alam mo ‘yon naging totoo kasi sa akin lahat. Ako nagmahal ako nang totoo, hindi ko ‘yon male-let go agad-agad,” she said.

“So hindi ko masababing malaya ako ng 100% kasi may mga bagay pang ayaw ko pang pakawalan and may mga bagay pa na pino-process ko pa. Kasi ganu’n naman talaga,” paliwanag pa niya.

Aniya pa ay kailangang namnamin niya ang kanyang nararamdaman sa ngayon para makapag-heal siya nang maayos.

“Normal lang naman na dapat ay namnamin ko ang mga feeling na ito para makapag-heal ako nang maayos. Ayaw ko naman maging pretentious na maki-trend lang na I’m unbothered, para lang masabi na unbotheredly. Aminado ako na nakakaramdam ako kasi tao pa rin po ako,” saad ng dalaga.

Sa ngayon ay mas pinipili na lang niya na maging masaya that’s why ayaw na rin niyang magsalita pa more about the break-up.

“Pinipili kong maging masaya at pinipili kong… Kahit gusto kong magsalita ay pinipili kong huwag na lang, para walang gulo. Kahit ang dami kong gustong gawin ay pinipili kong piliin na lang ang sarili ko at mag-focus sa kung ano ang mayroon ako at sa mga taong nagmamahal sa akin,” she said.

Humanga naman ang tatlong hosts na sina Melai, Regine at Jolina Magdangal sa pagiging mature ni Andrea sa pagharap sa love problems.

Ang guesting ni Blythe ay para i-promote ang bagong project sa ABS-CBN at puring-puri nga rin ng tatlong hosts ang aktres na kahit may pinagdaraanan ay very professional pa rin siyang humaharap sa trabaho.

AUTHOR PROFILE