Erwin Tulfo “Hindi namin inakala na magsisigawan ang mga tao na madadaanan namin sa kalsada kapag kumakaway ang kasama naming si Erwin Tulfo,” ani ACT-CIS nominee Edvic Yap.

ACT CIS mainit na sinalubong ng mga Bicolano

March 6, 2022 People's Tonight 345 views

MAINIT na tinanggap ng mga taga-Sorsogon City ang ACT-CIS Partylist sa isang motorcade noong isang araw.

Kasama ang ACT-CIS sa motorcade ng Uniteam na dinaluhan ni dating Senador Bongbong Marcos at ilang sa mga senatoriables sa kanilang line-up.

Agad naman nagpasalamat si ACT-CIS nominee Edvic Yap, sa mainit na pagtanggap at pagsalubong sa kanilang grupo ng mga “Uragon” o Sorsogon.

Ani Yap, Hindi namin inakala na magsisigawan ang mga tao na madadaanan namin sa kalsada kapag kumakaway ang kasama naming si Erwin Tulfo.

Ang nasabing motorcade ay tumagal din ng kalahating oras sa sentro ng Sorsogon.

Naglabasan ang mga bata, matanda, lalaki at babae para salubungin ang grupo ng ACT-CIS.

Mainit din na sinalubong ng mga tao ang sasakyan ni BBM at ang kanyang mga pambato sa senado.

AUTHOR PROFILE