Bong Go

Abalos puring-puri serbisyong Bong Go

December 3, 2021 People's Journal 239 views

Bong GoPURING-PURI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos, Jr. si Senator Christopher “Bong” Go sa “untiring at unconditional” na serbisyo ng senador sa mga residente ng Mandaluyong City matapos saklolohan ang mga nasunugan sa Barangay Barangka Drive.

“Napakalaki ng utang na loob ng pamilya namin sa kanya. Siya ang tumulong bakit nabuhay ang ama ko (at) ang aking nanay sa ospital,” ayon kay Abalos.

Tinukoy ang kababaang-loob ng senador, sinabi ni Abalos sa crowd sa Bonifacio Javier National Highschool, na mabilis na tinutulungan ni Go ang sinomang lumalapit at nangangailangan ng saklolo.

“Tawagan ninyo, kahit sino sinasagot niya, napakababa ng loob,” ani Abalos.

Sa kanya namang speech, sinabi ni Go na lalo pa niyang paiigtingin ang ginagawang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad at nahaharap sa krisis.

Namahagi si Go at kanyang staff ng financial assistance, meals, food packs, vitamins at masks sa tinatayang 105 pamilyang nasunugan.

“Sabi ko kay Chairman Abalos kanina, magkasama tayo sa pagseserbisyo. Hindi ko kayo iiwanan dahil mahal ko ang aking kapwa Pilipino. Gaya ng aking ipinangako, kahit saang sulok kayo ng Pilipinas, pupuntahan ko kayo para makatulong at makapag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati,” sabi ni Go.

“Ang Panginoon lang talaga ang nakakaalam kung hanggang saan na lang ang buhay ng tao. Pero ‘wag tayong mawalan ng pag-asa dahil marami pa Siyang magagandang plano sa atin. Ang importante, maganda ang ating hangarin sa ating kapwa tao,” he continued.

Hinimok ni Go ang mga residente at pamilya na magbayanihan at palaging alagaan ang kanilang kalusugan.

Pinayuhan nila sila na magpabakuna para mapangalagaan ang mga sarili laban sa COVID-19 at iba-ibang variants nito.

“Congratulations sa Metro Manila at mahigit 94 percent na ang bakunado. Pero ‘wag tayo maging kumpiyansa dahil mayroon nanaman nababalitaan na bagong variant, itong Omicron, na mabilis daw maghawa. Kaya importante na bakunado kayong lahat. Kung ano ‘yung bakuna sa harap ninyo, magpaturok kayo,” ani Go.

Muling tiniyak ni Go na palagi silang nakahanda ni Pangulong Rodrigo Duterte na tulungan ang mga nangangailangan.

“Huwag kayong mahiyang lumapit sa akin. Alam niyo, isa lang ang sikreto ko na itinuro sa akin ni Pangulong Duterte, ‘mahalin mo lang ang kapwa mo Pilipino at hinding-hindi ka magkakamali’. Just do what is right for the benefit of the Filipino people.”

“Ang interes ng bayan, ng bawat Pilipino ang pangunahin naming konsiderasyon ni Pangulong Duterte sa lahat ng aming ginagawa. Asahan niyo na marami pa kaming ipapasang magagandang batas para sa ikabubuti ninyo,” ayon sa senador.

AUTHOR PROFILE