Default Thumbnail

Abalos pinasalamatan ng Balanga execs sa pinagkaloob na fire truck

October 23, 2022 Christian D. Supnad 238 views

BALANGA CITY, Bataan — Lubos na pinasalamatan nina Bataan (2nd District) Cong. Abet S. Garcia at Mayor Francis S. Garcia si DILG Secretary Benhur C. Abalos dahil isa ang Balanga City Fire Station sa mga pinagkalooban ng bagong fire truck.

Ang turnover ng 34 units ng 1000-gallon fire trucks sa mga opisyal ng iba’t-ibang yunit ng pamahalaang lokal sa buong bansa ay ginanap sa Bureau of Fire Protection National Headquarters sa Quezon City kamakailan.

Ayon sa ulat, dumalo si Cong. Garcia, kasama nina Balanga City Mayor Francis Garcia at Balanga BFP Chief CINSP Roderick DJ Marquez. Dumalo din sa nasabing turnover si FDIR Louie S. Puracan.

“Ang karagdagang fire truck na ito ay malaking tulong sa ating mga bumbero sa pagtupad sa kanilang tungkulin, upang mapangalagaan ang buhay at kabuhayan ng ating mga kababayan sakaling magkaroon ng sunog,” ani Cong. Garcia