Maja

Maja at Rambo, inuna ang sitcom kesa kasal

August 4, 2022 Ian F. Fariñas 389 views

MAS inunang asikasuhin ng engaged couple na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez ang launch ng bago nilang proyekto, ang sitcom na Oh, My Korona, na ipapalabas tuwing Sabado, Aug. 6, 7:30 p.m., sa TV5, bago ang kanilang kasal.

Sabi ng aktres sa special screening at virtual mediacon ng Oh, My Korona, wala pa silang listahan at detalye ng kanilang altar date as of now.

Naka-focus daw sila ni Rambo sa OMK na line production venture ng Crown Artist Management para sa Cignal Entertainment.

“After wala na kaming choice kundi asikasuhin ang details ng wedding namin,” paniniyak ni Maja.

Exciting nga, dagdag niya, na magka-batch sila ng fellow Dabarkads na si Maine Mendoza sa pagiging engaged this 2022.

As we all know, recently lang na-engage si Maine sa boyfriend na si Cong. Arjo Atayde.

Masaya si Maja para kay Maine at alam daw niyang nasa Cloud 9 pa ito ngayon.

As for her and Rambo, hindi raw naman nag-iba ang priorities nila although feel niya, mas minamahal pa siya ng fiance ngayon.

“Mas alam namin na ito na talaga, wala nang atrasan. Ever since naman, since the start of our relationship, alam namin na dito kami papunta,” ani Rambo.

Parte raw ng pagiging eventual partners in life nila ang projects ng Crown Artist tulad ng OMK.

“Ang ginagawa ng partners in life, you take risks together, part of the acceptance na doon kami papunta,” dagdag niya.

Samantala, kasama ni Maja sa cast ng OMK sina Joey Marquez, Kakai Bautista, Pooh, Thou Reyes, atbp. sa ilalim ng direksyon ni Ricky Victoria.

AUTHOR PROFILE