Dizon

Dizon: Pulis Maynila na tulog sa duty may parusa

December 22, 2022 Jonjon Reyes 1737 views

NAGBABALA si Manila Police District Director (MPD) Police Brigadier General Andre P. Dizon na may katapat na parusa ang sino mang Pulis Maynila na mahuhuling “tutulog-tulog” sa duty lalo na ngayong Kapaskuhan.

Binalaan ni Dizon lalo na ang mga Pulis Maynila na naka-assign sa gabi.

Ayon naman kay P/Maj. Philipp Ines, hepe ng Public Information office (PIO) ng MPD, halos wala ng pahinga ang kanilang district director para masigurado lamang ang seguridad sa Kamaynilaan, kung kaya’t ninanais niyang ugaliin din ito ng bawat pulis nang sa gayon ay mas tiyak ang kaligtasan ng lahat.

Kamakailan ay tatlong pulis ang nahuling tulog sa loob ng Lawton Police Community Precinct. Sila ay binalaan ni Dizon na huwag ulitin ang insidente at inilipat ng ibang presinto.

Laging inuutos ni Dizon ang pagbantay 24/7 para sa seguridad ng mga Manilenyo.

Iniutos din nito na ipagpatuloy ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) at ang “Oplan Galugad.”

AUTHOR PROFILE