Default Thumbnail

P134,000 shabu, 7 tiklo sa Munti

December 22, 2022 Edd Reyes 319 views

UMABOT sa mahigit P134,000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng pulisya sa pitong drug suspect sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Lungsod ng Taguig at Muntinlupa araw ng Miyerkules.

Sa ulat na isinumite ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Kirby John Kraft kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Jonnel Estomo, unang nadakip ng mga tauhan ng Taguig Police Sub-Station 19, sa isinasagawa nilang anti-criminality operation dakong alas-3 ng hapon sa Kalaw St. Mahogany, Brgy. Bagumbayan, Taguig City sina Jake Quiambao, 20, at Danilo Borja, 29 na nakuhanan ng 2.9 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P19,720 at dalawang gramo ng marijuana na halagang P240.

Sumunod namang nadakip ng Taguig Police Sub-Station 6 sa kanilang Oplan Galugad sa 7th St., Brgy, Katuparan si Ricky Carranza, 40 na nakuhanan ng 0,84 gramo ng shabu na may halagang P5,712.00 habang nadakip dakong alas-8:15 ng gabi ng Police Sub-Station 3 sa C5 Service Road malapit sa Commando Bridge, Brgy. Pinagsama sina Pilar Delmonte, 67, at Roger Madis, 31. na may bitbit na 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P81,800.00.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Muntinlupa Police Sub-Station 4 Sucat sa kanilang anti-criminality operation sa Purok 6, Brgy, Cupang sina Hans Lexmar Alipit, 21 at Aeron Perdion, 36 matapos makumpiskahan ng humigit kumulang na apat na gramo ng shabu na may katumbas na halagang P27,200.00.

Ayon kay BGen. Kraft, may kabuuang P134,432 ang halaga ng mga nakumpiska nilang ilegal na droga na dinala na sa SPD Forensic Unit upang isailalim sa chemical analysis para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 sa ilalim ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act laban sa mga suspek.

AUTHOR PROFILE