WHAT'S NEW

SEE ALL
Nartatez

6 killer pulis babalatan nang husto

August 10, 2023 Edd Reyes 306 views

SINIMULAN na ng Philippine National Police ang imbestigasyon sa anim na pulis ng Navotas na sangkot sa pagpatay sa 17-anyos na binatilyo na napagkamalan nilang suspek sa pagpatay.

Ayon kay Internal Affairs Section Inspector General Alfegar Triambulo, aatasan nila ang mga sangkot na pulis na magsumite ng counter affidavit para magtuloy-tuloy ang imbestigasyon.

Isusumite kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director BGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. ang mga affidavits ng 6 na pulis.

Hindi pa rin pinangalanan ang mga pulis na sangkot pero kabilang sa mga ito ang isang may ranggong Police Executive Master Sergeant (PEMS), tatlong Staff Sergeant (PSS) dalawang Police Corporal (PCpl) at isang patrolman.

Napaulat na tinangka ring aregluhin ng mga pulis ang pamilya ng biktima ng P50,000 subalit tinanggihan ito ng pamilya Baltazar.

Kinukumpirma na rin ng pulisya ang ulat na dati ng nagkaroon ng kaso at nasibak na sa tungkulin subalit muling nakabalik sa serbisyo ang isa sa mga sangkot na pulis.

Sa panig naman ni BGen. Nartatez, tiniyak niya na mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng 17-anyos na si Jemboy Baltazar.

Nakakulong na ang anim na pulis at nasampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

AUTHOR PROFILE