Default Thumbnail

586 over-staying containers, ipinasubasta ng AOCG

April 11, 2021 Vic Reyes 369 views

MAY isang programa ang gobyerno na nakakatulong ngayon sa kampanya laban sa ismagling.

Ito ang tinatawag na fuel marking program na ipinapatupad ng BoC at BIR.

Nakakatulong ang programa sa paglaki ng revenue collection ng BoC na pinamumunuan ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Sa katunayan, umabot ng P35 bilyon ang duties and taxes na nakolekta ng BoC mula sa programa mula Enero hanggang Marso 2021.

Ang buwis ay mula sa 4,193,480,138 na litro ng kerosone, diesel at gasolina na namarkahan ng BoC.

Sa ilalim ng programa, dapat markahan ng BoC ang lahat ng “fully paid” na inangkat na produktong petrolyo.

Ayon sa report, “the markers serve as identification during field testing.”

Kung walang marker ang isang produktong petrolyo ay siguradong puslit ito.

Sa Abril 26, Lunes, ay nakatakdang simulan ng BoC at BIR ang field testing ng mga produktong petrolyo.

Ang unang i-inspeksyunin ng gobyerno ay ang mga warehouse, storage tank, gas station at ibang retail outlet.

Kasama rin sa i-inspeksyunin ang mga barko, tank truck at kaparehong fuel transporting vehicles.

Gagamit sa testing ang mga mobile laboratory unit na may analyzer.

Kayang-kaya ng mga analyzer na ma-detect kung may opisyal na fuel marker ang mga produktong petrolyo.

Mula nang ilunsad ang fuel marking program noong September 2019 ay nakamarka na ang BoC at BIR ng 21.7 bilyong litro ng mga produktong petrolyo.

Pero mas mabuti sana kung hindi ina-announce ang pagsisimula ng field testing.

Baka biglang itago ng mga negosyante ang mga puslit na produkto.

Dapat masorpresa ang mga nagtitinda ng mga produktong petrolyo para masakote ng mga taga-BoC at BIR ang mga puslit na produkto.

Tama ba, Finance Sec. Sonny Dominguez?

***

Tuloy ang ginagawang decongestion effort ng Bureau of Customs (BoC) sa mga pantalan at yarda.

Alam ng BoC ang epekto ng “port congestion.”

Kaya nga magandang balita sa mga importador at customs broker ang pag-dispose sa mga over-staying na kargamento.

Mapapabilis ang paglabas ng mga kargamento sa aduana.

Siyempre menos gastos ito sa mga importer at broker.

Sa unang tatlong buwan ng 2021 ay nakapag-dispose ang BoC-Assessment and Operations Coordinating Group sa pamumuno ni Deputy Commissioner James Edward Dy Buco ng 586 overstaying containers.

Kasama ng AOCG ang Auction and Cargo Disposal Division sa pag-dispose ng mga overstaying na kargamento.

Kumita ang BoC ng P138,535,866 mula sa pagsubasta sa mga nakumpiska at abandonadong kargamento.

Ang mga abandonado at kumpiskadong kargamento ay puedeng isubasta, sirain o i-donate ng BoC.

(Para sa ibuong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE