NDRRMC

50 NAOSPITAL DAHIL SA AMMONIA LEAK

August 2, 2023 Zaida I. Delos Reyes 177 views

LIMAMPUNG katao ang dinala sa pagamutan matapos na makalanghap ng ammonia na sumingaw mula sa isang ice plant sa Casiguran Aurora.

Batay sa inisyal na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) , mayroon ding 44 pamilya ang inilikas sa evacuation center.

Ang mga residente ay nakaranas ng pananakit ng ulo, sore throat at paglabo ng paningin dahil sa pagkakalanghap ng chemical.

Inaayos narin ng pamunuan ng ice plant ang problema na naging dahilan ng ammonia leak..

Nauna nang sinabi ng Department of Health ang exposure sa mataas na level ng ammonia sa hanging ay maaring magresulta rin ng irritation sa balat, mata, lalamunan, baga at posible ring dahilan ng pag-ubo at pagkapaso.

“Ammonia is used as a refrigerant gas, for the purification of water supplies, and in the manufacture of plastics, explosives, textiles, pesticides, dyes, and other chemicals. Most people are exposed to ammonia from inhalation of the gas or vapors,” pahayag ng DOH.

Payo ng DOH, isa sa pinakamabisang paunang lunas ay ang agad na paghuhugas ng tubig sa bahagi ng katawan na na-expose sa kemikal.

Sa mga nahihirapang huminga, maari umanong gumamit ng oxygen, bronchodilators at airway management.