Droga Kulungan ang kinahantungan ng mga suspek matapos matimbog sa isinagawang operasyon ng MPD sa Binondo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

5 nalambat sa Binondo buy-bust

March 20, 2024 Jonjon Reyes 172 views

NABINGWIT ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang limang indibidual kabilang ang isang babae sa ikinasang buy-bust operation sa Barcelona Street, malapit sa San Nicolas , Brangay 284 Zone 26, Binondo,Manila, Miyerkoles ng hapon.

Nakilala ang target ng operasyon na si alyas Nestor, 42, kaanib ng Sputnik Gang at residente ng Sevilla Street,Binondo.

Kabilang sa nadamay ang isang Willezer, 33,at alyas “Larry”, 50, kaanib ng Batang City Jail ( BCJ); alyas ” Patrick, 45, binata, kapwa magkapatid na miyembro ng Sputnik Gang; at isang babae na alyas Cathy, 43, dalaga.

Batay sa ulat ni PLt. Col. Roberto Mupas, commander ng Manila Police District-Meisic Police Station 11,bandang 3:45 ng hapon nang dambahin ang mga suspek.

Dinakma ang mga suspek ng mga tauhan ng SDEU sa pamamagitan ng P500 marked money. Nakuha rin sa kanila ang pinaniniwalaang shabu.

Ang dalawang umano’y tulak ng droga ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 Article ll , Section 5 at Section 11, habang ang tatlo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165.

AUTHOR PROFILE