Phivolcs

5.9 magnitude lindol niyugyog Davao Or.

April 19, 2022 Jun I. Legaspi 286 views

YINUGYOG ng 5.9 magnitude na lindol ang Davao Oriental, Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa monitoring ng ahensiya, ang lindol ay tumama bandang 9:23 a.m., 54 kilometers southeast ng Manay town, at ang lalim sa lupa ay 49 kilometers.

Tectonic ang origin na lindol, ayon pa sa (Philvolcs).

Sa lakas ng lindol naramdaman ang Intensity IV sa mga lugar ng Manay, Tarragona, at Lupon, Davao Oriental; Hinatuan, Surigao Del Sur; Mati City; at Bislig City.

Intensity III naman ang naramdaman sa mga lugar ng Don Marcelino, Davao Occidental; Cateel and Baganga, Davao Oriental; Tandag City, Surigao Del Sur; and Davao City.

Intensity II sa Bansalan, Davao Del Sur, Bislig City sa Davao City at Intensity I naman sa Matalam, Cotabato, Kidapawan City, at General Santos City.

Wala namang na-monitor ang Phivolcs sa pinsala ng lindol subalit inaasahan ang mga aftershocks.

AUTHOR PROFILE