Default Thumbnail

40 mangingisda, kalaboso sa illegal fishing

June 20, 2023 Zaida I. Delos Reyes 178 views

NASA 40 mangingisda mula sa dalawang barko ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa iligal na pamamaraan ng pangingisda sa karagatang sakop ng Carles, Iloilo.

Batay sa ulat ng Iloilo Provincial Bantay Dagat Task Force, ang mga mangingisda ay naaresto malapit sa Asluman village sa Gigantes island.

Sila ay sasampahan ng kasong paglabag sa Act to Prevent, Deter, and Eliminate Illegal, Unreported and Unregulated (IUU) Fishing sa Iloilo Provincial Prosecutor’s Office.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang mga mangingisda ay nagsasagawa ng “hulbot-hulbot,” isang paraan ng pangingisda na sumisira sa mga corals.

Kinumpiska din ng nabanggit na task force ang dalawang fishing boat at fishing gears ng mga mangingisda at 20 tubs ng iba’t-ibang uri ng isda.