Default Thumbnail

4 tiklo sa Sampaloc drug bust

June 12, 2023 Jonjon Reyes 461 views

NABITAG ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD) Sampaloc Police Station (PS) 4 ang target na “tulak” umano ng iligal na droga, habang damay din ang tatlo nitong “parokyano” sa inilatag na buy-bust operation sa panulukan ng Fajardo at J. Marzan Streets, Sampaloc, Maynila, Linggo ng hapon.

Ang suspek ay sinasabing nakatala sa “drug watch list” ng pulisya at residente ng Barangay 456 sa Sampaloc.

Samantala, kalaboso rin ang mga parokyano umano ng suspek kabilang rin ang isa na nasa drug watch list ng otoridad.

Base sa ulat ni Police Lt. Col. Wilson Villaruel, station commander ng PS-4, bandang 4:30 ng madaling araw (Hunyo 11), nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU ang operasyon sa pangunguna ni P/Cpt. Agopito Carpio, at ilan nitong tauhan kabilang sina PEMS Oliver Balingit , kasama sina PSSgt. Mikko Atienza, P/Cpl. Rommel Ponce, P/Cpl. Arvin Gomez, Pat. Alvin Olitres, at si Pat. Ed Emmanuel Enguerra.

Sa ulat ng pulisya, nagkasundo ang target ng operasyon at poseur buyer na magkita sa isang lugar sa Sampaloc. Dito rin nadatnan nila ang nag-uumpukang mga kalalakihan.

Nang magkaabutan na ang suspek at operatiba, dito na sumenyas na naging hudyat ng pagdampot sa mga suspek ng mga nakaabang na operatiba.

Narekober ang anim na plastic sachets ng shabu na tumitimbang sa sampung gramo katumbas ang halagang P68,000.

Dahil dito, pawang nahaharap ang apat sa kasong paglabag sa Article ll ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga nahuling suspek.

AUTHOR PROFILE