Sampaloc Apat na suspek ang nabitag sa pagbebenta ng ilegal na droga ayon kay P/Lt. Col. Wilson Villaruel, hepe ng Sampaloc Police Station 4. Kuha ni Jon-jon Reyes

4 tiklo sa Sampaloc buy-bust ops

February 11, 2023 Jonjon Reyes 353 views

APAT na suspek ang nalambat sa isinagawang buy-bust operation sa kahabaan ng riles ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa G. Tuazon Street sa Sampaloc, Maynila.

Aabot sa apat na gramong shabu na may halagang P27,200 ang narekober sa operasyon.

Naaresto ang dalawang lalaki at dalawang babaeng suspek na pawang residente sa lugar.

Batay sa ulat na nakarating kay P/Lt. Col. Wilson Villaruel, commander ng Manila Police District (MPD) Sampaloc Police Station 4, pasado alas 2:10 ng madaling araw nitong Sabado nang ilatag ang drug sting sa nasabing lugar.

Sa pamumuno ni P/Maj. Val Velencia, hepe ng Station Drug Emforcement Unit (SDEU), inaresto ang mga suspek matapos magpositibo ang operasyon matapos matanggap ng poseur buyer ang ilegal na droga kapalit ng markadong salapi.

AUTHOR PROFILE