Default Thumbnail

4 sugatan, 150 katao inilikas sa Koronadal City flash flood

May 16, 2023 Zaida I. Delos Reyes 217 views

APAT katao ang nasugatan habang aabot naman sa 150 katao o 30 pamilya ang inilikas dahil sa flash flood na dulot ng walang tigil na pagbuhos ng ulan sa Barangay San Jose, Koronadal City nitong Lunes ng gabi.

Batay sa ulat ng Koronadal City Disaster Risk Reduction and Management Council, 13 pamilya ay pansamantalang nanunuluyan sa mga itinalagang evacuation center at tinutulungan ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Barangay San Jose Chairman Danilo Simsim na karamihan sa mga bahay na naapektuhan ng pagbaha ay matatagpuan sa Purok Pantalan at Maawin.

Nawalan din ng kuryente sa lugar matapos na mabagsakan ng nagbuwalang puno ang ilang poste ng Meralco.

Dalawang bahay din ang tuluyang nasira dahil sa pagbaha.