Ipit NATYEMPUHAN–Kinilala ng biktima ang 4 na lalaking miyembro ng Ipit at Dura Dura Gang na natimbog ng mga pulis ng Manila Police District (kaliwa). Sa kanan, binabasahan ng warrant of arrest ang isa sa mga suspek. Kuha ni Jon Jon Reyes

4 na Ipit, Dura-dura gang members tiklo sa Maynila

March 16, 2024 Jonjon Reyes 57 views

Ipit1APAT na lalaki na umano’y miyembro ng Ipit at Dura-Dura gang ang natimbog ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) na nambibiktima ng mga pasahero sa Light Rail Transit (LRT)- 1.

Sa operation na pinamunuan nina Police Lt. Col. Orlando Mirando Jr. at Police Major Rommel Anicete, hepe ng Criminal Investigation Section (CIS)-MPD, natimbog sina alyas Erwin, 39, Alyas Bitoy at alyas Dondon, 44, noong Marso 11.

Noong Marso 12, naaresto naman sina alyas Leonard, 32, at alyas Ompong/Sugar.

Sa imbestigasyon, lumitaw na modus ng mga suspek na harangin ang mga pasahero na pasakay at pababa ng LRT 1.

Isa sa naging biktima si Christian John Romero na nadukutan ng cellphone matapos ipitin sa LRT Doroteo Jose Station habang papasok sa trabaho.

Nang maaktuhan ng mga operatiba ang modus ng mga suspek, agad silang nilapitan at isa-isang dinampot.

Aminado naman ang mga suspek na pabalik-balik sila sa LRT para mambiktima.

Modus din ng mga suspek na lituhin ang target sa pagsasabi na mayroong dura o dumi sa kanilang paanan saka hinaharangan at may kumukuha ng gamit ng biktima.

Pinayuhan ng awtoridad ang mga pasahero na maging alerto at huwag ilagay sa bulsa ang mga gamit tulad ng wallet at cellphone.

AUTHOR PROFILE