Shabu

4 huli sa mahigit P500k shabu

January 21, 2024 Gil Aman 197 views

APAT ang arestado at mahigit P500,000 halaga ng shabu ang narekover sa mga nahuling drug suspek sa buy-bust sa Cabuyao City, Laguna noong Sabado at Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga naaresto na sina Alyas Jenie, April, Elmer at Edward, ng Cabuyao, Laguna.

Naaresto ang mga suspek sa Brgy. Sala, Cabuyao City dakong alas-6:22 ng umaga noong Sabado.

Nabawi sa kanila ang 57 gramo ng shabu na may standard price na P387,600, isang motorsiklo at dalawang cellphone.

Noong Linggo ng madaling araw arestado si Alyas Jenie at nahulihan ng P204,000 na shabu na may timbang na 30 gramo.

AUTHOR PROFILE