Default Thumbnail

4-anyos na lalaki nalunod sa pool

September 11, 2023 Gil Aman 217 views

NALUNOD ang isang 4-anyos na lalaki sa private pool sa Pansol, Calamba City Laguna noong Linggo.

Sa report ng Calamba City police sa ilalim ni P/LT. Col. Milany Martirez, kinilala ang nasawi na si Darvin Ryco Ramos Binza.

Naisugod pa sa J.P. Rizal Hospital ang biktima subalit namatay din makalipas ang anim na oras.

Base sa ulat ng Calamba police dakong 1:30 ng madaling araw kasama ng nasawi ang kanyang pamilya sa pool.

AUTHOR PROFILE