Shabu Iniharap ang tatlong suspek na naaresto ng mga operatiba ng MPD PS 2 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III matapos ang buy-bust operation sa C.M. Recto Ave. at Delpan Sts., Tondo sa Maynila. Kuha ni Jon-jon Reyes

3 timbog sa P2M shabu sa Tondo buy-bust

January 23, 2023 Jonjon Reyes 351 views

MAHIGIT P2 milyong halaga ng shabu ang narekober sa isang 23-anyos na binata, at dalawang kasabwat nito makaraang mabitag sa isang “buy-bust,” Linggo ng gabi sa panulukan ng Claro M. Recto Avenue at Delpan Street, Tondo, Maynila.

Nakilala ang target ng operasyon na si alyas “Boss,” tambay, ng Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Maynila at dalawang kasabwat na kapwa residente ng Tondo.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, commander ng Manila Police District (MPD) Moriones Police Station (PS) 2, bandang 10:45 ng gabi (Enero 22), nang ikasa ang buy-bust operation sa Bgy. 649 sa lugar.

Dahil sa pinaiiral na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa direktiba ni MPD Director P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon, iniutos ni Lorenzo ang paghuli sa suspek matapos inguso ng isang “asset.”

Nagsagawa naman ng pagmamanman mga tauhan ni P/Maj. Edwin Malabanan, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

Nang magpositibo dito na ikinasa ang buybust operation ng magpanggap ang isang tauhan ng SDEU , na isa sa dalawang kasamang operatiba na sina PSSgt. Jimmy Joy Fajardo, P/Cpl. Ezekiel Job Mauricio, at P/Cpl. Kennith Gaa.

Nang magkaabutan sa ipinaing pera kapalit ng droga, isang senyas ang ikinumpas ng poseur buyer, at dito na dinamba ang tatlo.

Narekober ang apat na bulto ng shabu na nakalagay sa malaking plastic sachet na tinatayang nasa 300 gramo na may street value na higit sa P2,000,000, at marked money.

Ang droga ay pansamantalang inilagak sa Forensic Unit ng MPD suriin at iproseso.

Ang tatlong suspek ay pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 (Selling/Trading and Possession of Dangerous) Article II ng Republic Act 9165 ayon kay PSSgt. Ryan S. Jose, may hawak ng kaso.

AUTHOR PROFILE