Default Thumbnail

3 HVT sa ilegal na droga tiklo sa shabu, MJ sa Cebu

January 28, 2023 Zaida I. Delos Reyes 211 views

ARESTADO ang tatlong hinihinalang “high-value target” (HVT) na sangkot diumano sa kalakaran ng ilegal na droga matapos na makumpiskahan ng P1.7 milyong halaga ng shabu at isang kilo ng marijuana (MJ) sa ikinasang serye ng buy-bust operation nitong Biyernes ng gabi sa lalawigan ng Cebu.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 7 Director P/Brig. Gen. Jerry Bearis, naganap ang unang operasyon dakong 8:30 ng gabi (Enero 27) sa Purok 1, Barangay Sto Niño , Toledo City ng nasabing probinsya.

Nadakip sa operasyon ang isang 45-anyos na suspek na HVT.

Nakumpiska ang 142 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P965,000.000.

Ang ikalawang operasyon ay isinagawa dakomg 9:25 p.m. sa Bgy. Guadalupe, Cebu City kung saan naaresto ang suspek na may alyas na “Bogz”.

Narekober ang isang kilo ng pinatuyong dahon ng high-grade na marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P120,000.

Bukod sa isang kilo ng marijuana, nakumpiska rin sa loob ng backpack ng suspek ang P700 cash na ginamit umano sa transaksyon ng ilegal na droga.

Ang ikatlong operasyon ay naganap dakong 10:44 ng gabi sa parehong barangay kung saan naaresto ang isa pang HVT at nahulihan ng 110 gramo ng shabu na may halagang P748,000.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Underscoring PRO7’s performance in the campaign against illegal drugs in Central Visayas, our message has been consistently clear – drug players and dealers are not welcome here,” pahayag ni Bearis.