Default Thumbnail

23 pamilya apektado ng 6.3 quake sa Cagayan

September 14, 2023 Zaida I. Delos Reyes 175 views

UMAKYAT na sa 27 pamilya ang naapektuhan ng 6.3 magnitude na lindol sa isla ng Calayan sa Cagayan.

Sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), 10 pamilya pa na binubuo ng 39 katao ang nadagdag sa listahan ng mga naapektuhang pamilya mula sa Barangay Dadao, Cabudadan at Centro 02.

Bukod pa ito sa 17 pamilya sa Barangay Cabudadan, ayon sa MDRRMO.

Bukod sa mga nasirang bahay, nakitaan din ng bitak ang ilang school building sa Calayan High School, Calayan West Central Elementary School at Magsidel National High School.

Bumigay rin ang kongretong bakod ng St. Bartolome Academy o SBA Dormitory sa Centro Calayan, Cagayan.

Samantala, ayon naman kay Charles Castillejos, MDRRM Officer, inilipat sa public hopsital sa Cagayan si Baby Caty Dela Cruz, 13, dahil hindi pa bumabalik ang ilang vital signs nito matapos madaganan ng gumuhong kongkretong dingding ng kanilang bahay.

Kaugnay rito, nasa maayos nang kalagayan ang iba pang miyembro ng pamilya ni Dela Cruz.