Default Thumbnail

2022 Collection target ng BoC, nalampasan na!

November 16, 2022 Vic Reyes 230 views

Vic ReyesSA kasaysayan ng Bureau of Customs (BoC) ngayon lang nangyari na ang kanilang taunang collection target ay naabot na bago pa man matapos ang taon.

Hindi lang naabot kundi nalampasan pa ang 2022 target collection na P721.52 bilyon Nobyembre 11 pa lang, o mahigit isang buwan at kalahati bago Disyembre 31.

Pero walang nagulat sa aduana, kabilang na ang mga customs-based print at broadcast journalist, sa ginawa ng BoC sa pamumuno ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Ayon sa initial report, mula Enero 2022 hangang Nobyembre 11 ay umabot ng P745.50 bilyon ang revenue collection ng BoC, na nasa ilalim ng Department of Finance (DoF).

Ito ay lampas ng P23.98 bilyon o 3.27 percent kumpara sa 2022 collection target na P721.52 bilyon. Lahat ng 17 collection districts sa buong bansa ay naabot ang kani-kanilang assigned tax take.

Ang “remarkable performance” ay nagawa ng mga taga-BoC dahil sa “stringent implementation of his (Ruiz) priority programs to curb lsmuggling and corruption.

“Matatandaan na kabilin-bilinan ni Pangulong Marcos kay Commissioner Ruiz na lalo pang paigtingin ang kampanya laban sa ismagling, korapsyon at iba pang panloloko sa mga pantalan.

Pinasalamatan naman ni Commissioner Ruiz ang kanyang mga opisyal at tauhan dahil sinunod nila ang kanyang mga programa at repormang naglalayong mapaganda ang serbisyo sa aduana.

Ang tanong nga ng mga importer at broker sa aduana ay “aabot kaya ng P900 bilyon ang tax collection ng BoC sa taong ito?

“Kahit hindi sinasabi nina Comm. Yogi ay walang masama kung susubukan nila itong makamit dahil may mahigit isang buwan at kalahati pa bago matapos ang taon.

Kaya pa ‘yan, mga bossing diyan sa aduana, lalo na kung magsusubasta kayo ng mga abandonado at kumpiskadong shipment na naglalaman ng mga mamahaling bagay.

Tama lang na ipagbili niyo na, sa pamamagitan ng public auction, ang mga kargamentong ito.

Maiiwasan pa ang port congestion na sakit ng ulo ng mga otoridad, importador at customs broker.

Hindi ba, Finance Secretary Benjamin Diokno at BoC Chief Yogi Filemon Ruiz?

***

Optional na ang paggamit ng maskara pero marami pa rin ang gumagamit nito. At hindi lang mga bata at senior citizens ang nakikitang nakasuot ng maskara kahit sa kalsada, plaza, parke at iba pang open spaces sa buong bansa.

Alam kasi ng marami na malaking tulong ang paggamit ng maskara para sa kalusugan natin. Matindi na ang air pollution dahil sa usok na ibiniboga ng mga pabrika, bus, jeepeny, motorsiklo, traktor, taxicab at iba pang makinang gumagamit ng gasolina o krudo.

Nandiyan pa ang mga mikrobyo at virus na malalanghap natin habang tayo ay nasa labas ng bahay. Sa hirap ng buhay, siyempre walang gustong magkasakit, lalo na ang mga walang-wala.

Walang dudang gusto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na mabigyang solusyon ang lahat ng problemang nagpapahirap sa taumbayan. Kaya nga natatagalan siyang magtalaga ng mga taong mamumuno sa ibang opisina. Ang gusto niya ay makilatis na mabuti ang ilalagay niyang tao sa isang puwesto.

Mahirap na nga namang magkamali dahil baka may hindi kanais-nais na gawain ang kanyang appointee. Sa Department of Agriculture (DA) nga ay ayaw pa niyang bitawan ang pamumuno dito dahil sa dami ng problema dito na kailangan niyang tutukan.

Kailangan niyang siguraduhin na makakarating sa mga magsasaka at mangingisda ang lahat ng ayuda ng gobyerno sa kanila.

Tama yan, Pangulong Marcos! (Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email: tingnannatin08@gmailcom. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE