Default Thumbnail

Bago mahuli ang lahat

November 16, 2022 Erwin Tulfo 258 views

TulfoNAALALA ko noong araw dyan sa Plaza Miranda sa harap ng Mercury Drug store ay nakatayo ang isang tinatawag na air monitoring device.

Yan ang pumasok sa isipan ko nang makita ko sa internet ang 1978 photos ng Plaza Miranda at Quiapo Church, ang Minor Basilica of the Black Nazarene.

Mahalagang bahagi ng buhay ko ang lugar na yan dahil ako po ay isang deboto ng Mahal na Poong Nazareno.

At naitanong ko sa sarili ko kung bakit nila inalis ang digital apparatus na nagtatala ng saktong oras at “air pollution index” sa lugar na yun.

Ang digital sensor ng naturang gadget ay nagtatala ng “air pollution index” na nakaugaliang binantayan ng mga tao na naghahanapbuhay, namimili, nagsisimba at dumaraan.

Ang mga estudyante sa mga eskwelahan na malapit sa Quiapo ay tinitingnan ang datos na sinasaad ng naturang aparato araw-araw at yun ay tinatalakay sa kanilang Science class.

Natatandaan ko na may ganuon ding aparato ang nakatayo sa ibang lugar ng Metro Manila tulad ng EDSA.

Isa sa mga proyekto yun ni Madam First Lady Imelda Romualdez Marcos noong 1970s na tinanggal ng sumunod na administrasyon.

Ang masidhing air pollution ay isa sa mga ugat ng climate change na ngayon ay nagiging dahilan ng malalakas ng bagyo kung hindi tagtuyot.

Kaya isinaalang-alang na “national priority” ang resiliency at adaptation ng bansa sa climate change, ayon kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. (PBBM)

“Combating climate change is a battle we must wage and a battle that we must win,” sabi ni PBBM.

Ayon sa Pangulo, dapat nating tiyakin na controllable at manageable ang emissions of greenhouse gases (methane and carbon dioxide) partikular na sa Metro Manila at ibang urbanized areas.

Ayon naman sa mga eksperto, maaapektuhan ang 150 milyong katao sa mundo dahil sa tumaas na level ng tubig-dagat.

Kabilang sa mga dahan-dahang lulubog ang 7,641 isla sa kapuluan partikular na ang mga nasa baybaying dagat.

Ang climate change ay hindi biru-biro at ang mga epekto nito ay pinalalala pa ng mga gawain ng tao kabilang na ang illegal mining and logging, deforestation, dynamite fishing, landslides, coastal erosion, and biodiversity extinction.

Dapat magtulung-tulong tayo na pigilan ang polusyon na nakakapagpalala sa climate change bago mahuli ang lahat.

AUTHOR PROFILE