Posas

2 wanted huli ng MPD

September 13, 2023 Jonjon Reyes 190 views

DALAWANG wanted sa batas ang inaresto ng mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) sa magkahiwalay na lugar sa riles ng tren, malapit sa G.Tuazon Street, Sampaloc at sa loob ng Quezon City Jail sa panulukan ng EDSA at Kamuning Road, lungsod ng Quezon, Miyerkules ng hapon.

Bandang 1 p.m. makaraang isilbi ang warrant of arrest ng mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng MPD-Sampaloc Police Station 4 sa pangunguna ni Police Executive Master Sargent Luis Coderes,hepe ng Warrant and Intel Section, nang naaresto sa riles ng tren si alias “Leo” dahil sa kasong paglabag sa Article ll ng Republic Act 9165 Section 11.

Ang arrest warrant ay inisyu ni Judge Danilo Leyva, ng Regional Trial Court Branch 175 ng Manila.

Bandang 1:30 p.m. nang isilbi naman ng mga tauhan ng MPD Meisic Police station.11 ang warrant of arrest laban kay Darwin, 25, ng Barangay Sacred Heart Quezon City.

Sa pamumuno nina Police Maj.Joselito Delos Reyes at PLt. Marvin Peralta kasama ang ilang mga tauhan ng Station 11, ang nagsilbi ng warrant of arrest sa loob mng Quezon City Jail.

Ang arrest warrant ay inisyu ni Acting Presiding Judge Rebecca Guillen’ Ubena, ng Metropolitan Trial Court Branch 32 ng Quezon City, para sa attempted homicide.

Lubos ang pasasalamat at papuri ni “The Game changer General” MPD Chief Andre P. Dizon sa mga kapulisan ng Sampaloc at Binondo sa patuloy na pag papairal ng kanyang programa na Simultraniuos Anti-Criminality Law Enforcement Operation at Oplan Galugad laban sa mga kriminal at wanted sa batas.

AUTHOR PROFILE