Default Thumbnail

2 timbog sa ‘panghahalay’ sa Tondo

June 17, 2022 Jonjon Reyes 306 views

HINDI akalain ng dalawang magkabarkada na ititikom na lamang ang bibig ng isang 16-anyos na estudyante, nang sapitin nito ang ginawang “panggagahasa” sa Tondo, Maynila, iniulat ng pulisya.

Kasama ang mga magulang ng biktimang itinago sa pangalang “Ana” (para protektahan ang pagkakakilanlan) na naninirahan sa Tondo, nang tuluyang posasan ang dalawang suspek na residente ng Pascua St., Gagalangin at isang taga-Dagupan Extention, sa Tondo.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., hepe ng MPD-SMaRT, bandang 12:00 ng madaling araw ng Huwebes nang damputin at arestuhin ang dalawang suspek sa magkahiwalay na lugar.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 8:20 ng gabi, nang halinhinang gahasain ng dalawa ang dalagita sa isang bahay sa Dagupan Ext., sa Tondo.

Agad namang nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang at nagpasaklolo ang mga ito sa tanggapan ng MPD-SMaRT sa opisina nito sa Manila City Hall.

Sa pangunguna ni P/Lt. Edgar Julian at sa direktiba ni Ibay, parehing nakakulong na ngayon ang dalawang suspek sa nasabing himpilan.

Nahaharap ang dalawa sa paglabag sa Republic Act 8353 (Anti-Rape Law) in relation to RA 7610 (Child Abuse Law).

AUTHOR PROFILE