Default Thumbnail

2 MWPs timbog sa CIDG

July 20, 2022 Jonjon Reyes 324 views

ARESTADO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Agusan del Sur Region 13 ang dalawang “most wanted persons” (MWPs) dahil sa kasong frustrated murder sa loob mismo ng opisina ng Old Municipal Building ng CIDG sa Barangay 3 San Francisco, Agusan Del Sur, Martes ng hapon.

Ang mga suspek ay inaresto bandang 4:12 ng hapon sa nasabing lugar.

Dahil sa patuloy na pinaiiral na “Oplan Pagtugis” ng CIDG Region 13, isa umanong impormante ang nagnguso sa dalawa na sinasabing most wanted kung kaya’t agad nagsagawa ng operasyon at nagtungo sa kinaroroonan ng mga suspek.

Base sa ulat na nakalap ni PLt. Col. Monico Cadayona, hepe ng CIDG Caraga Region 13, inaresto nina PSSg. Patrick Vasquez, Pat. Jonas Deonila at Pat. Jesrel Padro ang dalawang suspek bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Executive Judge Ferdinand Recodo Villanueva ng Regional Trial Court Branch 7 sa Bayugan City, Agusan Del Sur sa nasabing kaso na may nakalaang piyansang P200,000 bawat isa sa kanilang pansamantalang paglaya.

AUTHOR PROFILE