Salceda

Salceda naghain ng ‘Build Build More’ P2.25-T infra framework

July 20, 2022 People's Tonight 267 views

INIHAIN ni House Ways and Means Chairman Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda ang kanyang House Resolution No. 6 (HR No. 6), isang “joint House-Senate resolution” na nagsusulong sa panukalang “Build, Build More” (BBM) bilang isang “National Infrastructure Development Framework” sa ilalim ng “AmBisyon Natin 2040” – ang long-term development program ng bansa sa susunod na 25 taon.

Panukala ng HR No. 6 ang BBM na inilalarawan ni Salceda na “both social and economic infrastructure” na tatapos sa sobrang kahirapan, lilikha ng higit na malakas na “middle class” at magpapabilis sa matibay at patas na pag-unlad ng bansa.

Itatalaga ng BBM ang minimum annual spending target na 6% ng gross domestic product (GDP), higit na mataas kaysa 5% ng administrsyong Duterte na halos doble naman kumpara naman sa naitala sa ilalim ng panguluhang Noynoy Aquino.

Tinatayang magkakahalaga ito ng mga P2.25 trilyon sa katapusan ng termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa taong 2028.

Kinikilala ng “AmBisyon Natin 2040” na sadyang kailangan ang solusyon sa mga hamong dulot ng sistema sa pulitika ng bansa kung saan limitado ang termino ng Pangulo sa anim na taon lamang, na matutugunan naman ng “long-term planning” o higit na matagal na balangkas at malinaw na pananaw sa “socioeconomic development” landas ng bansa.

Ayon kay Salceda, “sadyang kailangan ang higit na malaking pamumuhunan sa mahahalagang layunin ng AmBisyon 2040 lalo na sa mga imprastraktura.”

Ang panukalang BBM ay batay sa pangako ni Pangulong Marcos na itutloy niya ang ambisyosong programa sa imprastraktuna na pinisimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

 

AUTHOR PROFILE