Default Thumbnail

2 MWPs sa ‘rape’ huli sa Tanauan City

May 4, 2023 Jojo C. Magsombol 265 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas – Dalawang tinaguriang “most wanted persons” (MWPs) sa panggagahasa ang naaresto ng mga operatiba ng Tanauan City Police Station (CPS) sa magkahiwalay na operasyon sa probinsya ng Batangas, Martes, Mayo 2.

Ayon sa ulat ni Batangas Police Provincial Office (BPPO) Provincial Director P/Col. Pedro D. Soliba kay Police Regional Office (RPO) Calabarzon Regional Director P/BGen. Carlito M. Gaces, unang naaresto ang suspek na 36-anyos na tricycle driver at pansamantalang naninirahan sa San Pablo City, Laguna dakong alas 2:14 ng hapon sa lungsod ng Tanauan.

Sunod na naaresto ang isang MWP, 36, tambay, sa Bgy. Poblacion 3, Tanauan City, dakong 2:40 ng hapon.

Sila ay kapwa naaresto sa bisa ng warrants of arrest sa kasong “rape” na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 6 ng nasabing lungsod.

Matatandaan na ang dalawa ay akusado sa nangyaring insidente nang “rape” noong 2008 sa Bgy. Balele ng Tanauan, City, at ang biktima ay kusang-loob na nagreklamo sa nasabing istasyon ng pulisya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng naturang police station ang mga akusado para sa kaukulang disposisyon.

“Pinupuri natin ang matagumpay na operasyon ng ating kapulisan. Patuloy ang mga isinasagawang anti-criminality at law enforcement operations ng PNP (Philippine National Police) Batangas upang mapanagot ang mga may pananagutan sa batas at mapanatiling ligtas, maayos, at payapa ang probinsya ng Batangas,” saad ni Soliba.

AUTHOR PROFILE