Default Thumbnail

2 kelot timbog dahil sa sex trip

December 21, 2023 Edd Reyes 162 views

MAGKASUNOD na tinimbog ng mga pulis ang dalawang kelot na nag sex-trip sa dalagita habang ang isa nama’y nagtago matapos manghalay sa Valenzuela City noong Miyerkules.

Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dating deputy director ng Special Action Force, nasakote ng Warrant and Subpoena Section (WSS), Detective Management Unit (DMU) at Northern Maritime police si alyas Louie na may kinakaharap na kasong panghahalay at inguso ng mga kapitbahay kaya tuluyang natiklo.

Ayon kay Col. Destura, nagbalik sa kanilang lugar sa Gitnang Bukid, Galas, St. Brgy. Bignay si Louie makaraan ang mahigit isang taong pagtatago sa Bulacan.

Napilitan ang mga kapitbahay niya na inguso siya dahil nagpapakita na naman ito ng hindi magandang kilos at titig sa mga dalagitang naninirahan sa lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Evangeline S. Mendoza-Francisco ng Branch 270 para sa kasong rape at rape with sexual assault na may kaugnayan sa section 5(b) ng R.A. 7610 o Child Abuse na walang piyansang inirekomenda.

Dakong alas-10:50 ng umaga noong Miyerkules nang isilbi ng mga tauhan ni Lt. Ronald Bautista, hepe ng WSS at DMU kay alyas Joselito, 51, ng Brgy. Bignay ang warrant of arrest para sa kinakaharap niyang kasong lascivious conduct sa ilalim din ng R. A. 7610 o ang Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act habang nasa loob ng custodial facility ng Valenzuela Police Station.

Napag-alaman na unang nadakip ng pulisya si Joselito matapos ireklamo ng pambabastos sa kabataang babae at habang nakadetine sa Valenzuela Police Station natuklasan na may nakabimbin na siyang kaso sa hukuman kaugnay sa panghihipo sa maselang parte ng katawan ng isang dalagita.

AUTHOR PROFILE