2 babae, 3 lalaki timbog sa droga sa Maynila

August 18, 2021 Francis Naguit 94 views

AABOT sa halos P143,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa limang naarestong indibidwal sa isinagawang buy bust ng Manila Police District (MPD) Station 3 sa Sta.Cruz, Maynila madaling araw ng Miyerkules.

Kabilang ang dalawang babae sa mga naaresto na nakilalang sina Hanz Irene May Boholst, 17, at Ma. Cecilla Aalegria, 38, kasama sina Jennard Javinal,30; Jerwin Carandang, 39 at Luicris Bernardo, 31.

Ayon sa ulat ng MPD-PS3, alas 12:40 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa kahabaan ng Lacson Ave. corner A. Mendoza St., sa Bgy. 341, Sta Cruz ng mga tauhan ng Station Drugs Enforcement Unit sa ilalim ni LTCol. John Guaigui.

Target umano sa operasyon si Enriquez na noo’y may katransaksyon na poseur buyer.

Sa nasabing operasyon, natyempuhan naman ang apat na iba pang suspek na may hawak na illegal na droga na pinaniniwalaang binili kay Enriquez .

Humigit kumulang 21 gramo ng shabu ang nakuha sa mga suspek na aabot sa halagang P142,800.

Nakuha rin sa kanilang posesyon ang P500 marked money.

Si Enriquez ay sasampahan ng kasong paglabag ng Section 5 at 11 o selling and possession of illegal drugs habang ang apat na suspek ay kakasuhan ng possession of dangerous drugs. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE